Paigringin ang panamagagi ng biyaya ng panginoon sa kapwa, hamin obispo ng Cubao sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,096 total reads

Panatilihing nag-aalab ang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan at maging daan sa higit na pagyabong at pamamahagi nito sa kapwa.

Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa kaniyang Liham Pastoral bilang paggunita sa 20th Cannonical Establishment Anniversarry ng Diyosesis ng Cubao.

Ayon sa Obispo, sa tulong ng regalong ng Panginoon sa Diyosesis na Masisiglang Santatlo, napatibay ng mga Pari, relihiyoso at Layko ang pundasyon ng Diyosesis upang palaganapin ang pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan.

“Ang liwanag ng ating Santatlo ay ang kanilang iba’t ibang talento sa pagpaplano, pag-coordinate at pagpapatupad ng ating mga gawain. Nagpapasalamat kami sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng kanilang oras, talento, at yaman. Ipinapahayag din namin ang aming pasasalamat sa aming mga empleyado at sa hindi mabilang na tahimik na mga manggagawa na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa Simbahan sa maliit na paraan,” ayon sa mensahe ni Bishop Ongtioco na ipinadala ng Diyosesis ng Cubao sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat rin ang Obispo sa mga bumubuo ng Diyosesis sa pananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at suliranin na idinulot ng pandemya.

“Hindi tayo umaani para sa ating sariling kapakanan, bilang mabuting katiwala, patuloy tayong nagtatanim, patuloy tayong naghahasik, patuloy tayong maging liwanag na nagniningning para sa iba, upang makita ng lahat ang ating mabubuting gawa, at luwalhatiin ang Ama sa langit,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Ongtioco.

Ang Diyosesis ng Cubao ay binubuo ng 46-Pang Diyosesanong Pari, 136-Religous Congregations at daan-daang mga kawani.

 

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,359 total reads

 10,359 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,753 total reads

 65,753 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,118 total reads

 151,118 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,855 total reads

 197,855 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,727 total reads

 245,727 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top