“Act now” para sa kalikasan, hamon ng Obispo sa pagdiriwang ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,538 total reads

Nakikiisa ang Diyosesis ng Bayombong, Nueva Vizcaya sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.
Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, ang panahon ng paglikha ay paghikayat sa bawat isa upang panibaguhin ang mga sarili at paigtingin ang kamalayan sa iba’t ibang nangyayari sa kapaligiran.
“Season of creation invites all of us to see, judge, and act everything that is happening around us,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.
Ibinahagi ng obispo na kabilang sa mahalagang tungkulin ng tao para sa kalikasan ang pagmamasid at pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan ng kalikasan na unti-unting nauubos dahil sa pang-aabuso at kapabayaan ng mga tao.
Sinabi ni Bishop Mangalinao na ang kalayaang tinatamasa ng bawat isa ay karapatan maging ng inang kalikasan kaya’t dapat itong gamitin nang wasto at may dignidad.
“Paano natin ginagamit ang ating kalayaan sa pangangalaga o pagsira sa likas na yamang bigay ng Diyos? Ang mga kalamidad: bagyo, sunog, tagtuyot, pagguho ng lupa, pagbaha ay malakas na tinig ng kalikasan laban sa pang-aabuso ng tao sa KARAPATAN ng kalikasan,” ayon kay Bishop Mangalinao.
Iginiit naman ng obispo ang wastong pagsasabuhay sa mga pamamaraang makakatulong sa kalikasan tulad ng ‘three Rs’ na Reduce, Reuse, at Recycle na matagal nang isinusulong upang tugunan ang suliranin sa basura.
Paliwanag ni Bishop Mangalinao na huwag sana itong manatiling slogan lamang bagkus ay dapat na gampanan para maging kapaki-pakinabang sa kalikasan at sa mga susunod pang henerasyon.
“Act now. Kumilos sa kapakanan ng lahat at hindi lamang para sa sarili. Sabi nga ang ating micro effort ay may macro impact,” saad ni Bishop Mangalinao.
Kabilang naman sa mga usaping pangkalikasan na patuloy na tinututukan ng Diyosesis ng Bayombong ang mapaminsalang pagmimina ng OceanaGold Corporation sa Didipio, Nueva Vizcaya.
Una nang inihayag ni Bishop Mangalinao na ang nakikitang benepisyo ng pamahalaan sa pagmimina ay malayo sa mga nararanasan ng mga katutubong pamayanan na higit pang naghihirap dahil sa pinsalang dulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 70,032 total reads

 70,032 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 102,211 total reads

 102,211 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 204,037 total reads

 204,037 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 244,595 total reads

 244,595 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 262,196 total reads

 262,196 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,028 total reads

 137,028 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top