Ecumenical, inter-religious at cultural dialogue, binigyan-diin ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,891 total reads

Umaasa ang Santo Papa Francisco na lumaganap ang kapayapaang tinatamasa ng Mongolia sa iba’t- ibang panig ng daigdig.

Ito ang mensahe ng punong pastol sa kanyang ika – 43 apostolic journey kung saan binisita ang Mongolia sa kabila ng pagiging minorya ng mga katoliko sa lugar.

Kinilala ni Pope Francis ang pagbubuklod-buklod ng mahigit tatlong milyong populasyon sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalatayang kinagisnan ng mamamayan.

Inihayag ng santo papa na kung maisakatuparan ang pagkakaisa ay tunay na makamtan ang kapayapaan sa lipunan.

“If the leaders of nations were to choose the path of encounter and dialogue with others, it would certainly be a decisive contribution to ending the conflicts continuing to afflict so many of the world’s peoples.” pahayag ni Pope Francis.

Naniniwala si Pope Francis na ang pagtataguyod at paggalang na ipinamamalas ng mamamayan ng Mongolia sa kapwa ay isang mahalagang hakbang para sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala.

Tinukoy nito ang makitid na pag-iisip, unliateral imposition at iba pang bagay na nakahahadlang sa pagkakapatiran at pagkakamit ng kapayapaan gayundin ang pag-iral ng materyalismo ng tao na nagdudulot ng kawalang katarungan, pang-uusig at maging pagsira ng kalikasan.

Binigyang diin ni Pope Francis na patuloy isusulong ng simbahan ang mga hakbang ng pagkakasundo para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

“I would like to reassure you that the Catholic Church desires to follow this path, firmly convinced of the importance of ecumenical, interreligious and cultural dialogue. Her faith is grounded in the eternal dialogue between God and humanity that took flesh in the person of Jesus Christ.” giit ng santo papa.

Tema ng pagbisita ni Pope Francis sa Mongolia ang ‘Hoping Together’ na layong maisulong ang sama-samang paglalakbay ng simbahan at pamahalaan.
Si Pope Francis ang kauna-unahang lider ng simbahang bumisita sa Mongolia na may 1, 500 katoliko mula sa mahigit tatlong milyong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 2,465 total reads

 2,465 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 84,663 total reads

 84,663 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 186,390 total reads

 186,390 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 223,178 total reads

 223,178 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 253,746 total reads

 253,746 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top