Pang-aabuso sa kalikasan, isang paglapastangan sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,007 total views

Iginiit ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang pang-aabuso ng tao sa inang kalikasan ay maituturing na paglapastangan sa Diyos.

Ayon kay Bishop Uy, nais ipadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng mga nilikhang likas na yaman na handog para sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat ang kalikasan ay maituturing na handog ay hindi pa rin ito pagmamay-ari ng tao bagkus ipinagkakatiwala lamang ng Diyos upang pangalagaan at pagyabungin para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Sa ganitong paraan, hinahangad ng Diyos na madama mula sa mga tao ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagiging mabubuting katiwala ng nag-iisang tahanan.

“We can’t love God and abuse the earth. We show our love for the creator by our stewardship of creation.” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ang pagninilay ng obispo ay kaugnay na rin sa pakikibahagi ng Diyosesis ng Tagbilaran sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon upang sariwain at panibaguhin ang tungkulin ng bawat isa sa pagiging katiwala ng kalikasan.

Magsasagawa naman ng iba’t ibang gawain ang diyosesis sa buong Setyembre tulad ng pagtatanim ng mga puno, paglilinis sa mga dalampasigan at mga ilog, at mga pagsasanay at pagbabahagi ng kaalaman sa wastong pagtatapon ng basura.

Tema ng Season of Creation 2023 ang Let Justice and Peace Flow na hango sa mga kataga ni Propeta Amos, upang bigyang-pansin ang hinaing ng kalikasan na malayang makamtan ang katarungan at kapayapaan sa kabila ng mga pinsalang tinamo dahil sa labis na pang-aabuso ng mga tao sa mga likas na yaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 1,750 total views

 1,750 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 37,540 total views

 37,540 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 79,432 total views

 79,432 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 133,421 total views

 133,421 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 160,269 total views

 160,269 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top