CBCP-ECCCE, nawagan ng suporta sa YSLEP ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,192 total reads

Pinalakas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catachesis and Catholic Education ang panawagan sa mga mamamayan na suportahan ang programa ng Caritas Manila na Youth Servant Leadership and Education o YSLEP Program.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto, Vice-chairman ng komisyon, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mahigit limang libon kabataan na bahagi ng programa na magkaroon ng pagkakataon na makatapos sa pag-aaral.

Sinabi ng Obispo na ang YSLEP ng Caritas Manila ay mabisang paraan upang ang mga mahihirap na kabataan ay makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon.

“Atin po sanang suportahan ang donation drive ng Radio Veritas at Caritas Manila sa kanilang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP upang masuportahan ang pag aaral ng mga YSLEP scholars sa buong bansa na kumukuha/kukuha ng ibat-ibang college courses at technical-vocational courses para sa School Year 2023-2024, ang kahit kaunting maitutulong natin ay para sa ikakaganda ng kinabukasan ng mga kapatid nating financially-challenged.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Noong nakalipas na linggo ay idinaos sa himpilan ng Radio Veritas ang 2023 YSLEP telethon na nakalikom ng 4.5 million pesos na gagamitin na pondo para sa pagpapaaral sa mga YSLEP scholars.

Sa mga nais pang magbahagi ay maaring makipag ugnayan sa Caritas Manila sa mga numero bilang 0-9-1-7-5-9-5-5-0-8-3.

Noong nakalipas na taon ng pag-aaral ay aabot sa 1,600 na mga mag-aaral sa kolehiyo at mga technical vocation course ang napagtapos ng Caritas Manila sa tulong ng YSLEP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 38,261 total reads

 38,261 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 173,110 total reads

 173,110 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 258,494 total reads

 258,494 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 322,326 total reads

 322,326 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 400,728 total reads

 400,728 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top