Pagkasira ng Daguma Mountain range, ikinalulungkot ng Diocese of Marbel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,296 total views

Labis na ikinalungkot ng Diyosesis ng Marbel ang kinahinatnan ng bundok sa bahagi ng Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato dahil sa patuloy na pagmimina sa lugar.
Tinukoy sa facebook post ng Marbel Social Action Center ang Daguma Mountain Range na nawala na ang likas na ganda dahil sa tinamong pinsala mula sa operasyon ng coal mining.
Pinangangambahan ito ng mga residente ng Brgy. Ned dahil magbubunsod ito sa mas malaking pinsala mula sa iba’t ibang sakuna tulad ng mga bagyo.
“The beautiful mountain blessed with fertile soil suitable for farming, now turned into a caldera of suffocating dust tilled by huge mining equipment. This update shows that we are now vulnerable to disasters that might put many lives in great danger and destroy our livelihoods,” ayon sa SAC Marbel.
Nauunawaan ng social arm ng Diyosesis ng Marbel na ang pagmimina ay paraan upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng South Cotabato at ng Pilipinas, ngunit hindi pa rin ito katanggap-tanggap dahil sa pinsalang iniiwan nito sa kalikasan.
Ang nasabing coal mining project ay hawak ng San Miguel Energy Corporation na saklaw ang nasa 17-libong ektarya ng kabundukan, at inaasahang makakapagmina ng nasa 180-milyong metriko toneladang karbon.
Una nang nabahala si Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan at sinabing buburahin ng mapaminsalang proyekto ang malawak na sakahan, watershed, at magdudulot ng malawakang pagbaha sa Mindanao.
Iginiit naman ng diyosesis na ang kasakiman para sa panandaliang pakikinabang ang mas naghahantong sa pangmatagalang pinsala at pagdurusa ng mga apektado.
“It is disheartening to witness that these actions go against our collective efforts to preserve and safeguard our environment,” saad ng SAC Marbel.
Gayunman, hinimok nito ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang Season of Creation nang may pag-asang mapipigilan ang mapaminsalang paraan ng pag-unlad tulad ng coal mining sa South Cotabato tungo sa kapakanan ng bawat isa at nang mga susunod pang henerasyon.
Ang Daguma Mountain Range ay ang watershed source ng Allah River, isa sa mga pinakamalaking river system ng Mindanao at pangunahing pinanggagalingan ng patubig para sa irigasyon ng mga sakahan.
Tinatayang aabot naman sa higit 54-libong ektaryang sakahan sa Allah Valley ang maaapektuhan ng coal mining.
Una na ring hinamon ni Marbel Bishop Cerilo Alan Casicas ang pamahalaan na muling pag-isipan ang desisyon sa pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 52,791 total views

 52,791 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 80,796 total views

 80,796 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 98,596 total views

 98,596 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 96,277 total views

 96,277 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 204,737 total views

 204,737 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top