Kasong sedition laban kay Trillanes at 2-Katolikong Pari, ibinasura ng QCMTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,447 total reads

Ibinasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court (QCMTC) ang kasong ‘conspiracy to commit sedition’ laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV, Rev. Fr. Flaviano Villanueva, SVD at Fr. Albert Alejo, SJ kasama ang ilan pang personalidad dahil sa video na ‘Ang Totoong Narcolist’, na kumalat online noong taong 2019.

Batay sa inilabas na desisyon ng QC MTC Branch 138 na may petsang July 14, 2023, inihayag ng korte na walang sapat na ebidensya na naihain ang prosekusyon upang madiin sa kaso ang mga akusado.

Sinuportahan ni Presiding Justice Kristine Grace Suarez ang hiwalay na demurrer to evidence na inihain ni Trillanes kasama ang iba pang mga akusado na sina Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert Alejo, Peter Joemel Advincula, Jonnel Sangalang, Yolanda Villanueva Ong, Vicente Romano III at Ronnil Carlos Enriquez dahil sa kakulangan ng sapat ebidensya.

“WHEREFORE, premises considered, the Demurrers to Evidence separately and individually filed by accused Peter Joemel Advincula, Antonio F. Trillanes IV, Jonnel P. Sangalang, Yolanda Villanueva Ong, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Alvert E. Alejo, Vicente R. Romano III, and Ronnil Carlo S. Enriquez are hereby GRANTED.

The instant case for Conspiracy to Commit Sedition instituted against all the accused is hereby DISMISSED for insufficiency of evidence.” Ang bahagi ng desisyon ng QC MTC Branch 138 na may petsang July 14, 2023.

Nasasaad din sa desisyon ng Korte na ang lahat ng mga testigo na iniharap ng prosekusyon ay pare-parehong inamin o “consistently admitted” sa isinagawang mga cross-examination na sila ay walang personal na kaalaman sa mga insidente o pangyayaring isinalaysay sa affidavit ng nasa video na si Peter Joemel alyas “Bikoy” Advincula na sinabing ang oposisyon ang nasa likod ng mga serye ng “Ang Totoong Narcolist” video noong 2019.

Matatandaang ang nasabing kaso ng Conspiracy to Commit Sedition na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Trillanes at iba pa ay may kaugnayan sa “Ang Totoong Narcolist” videos na kumalat taong 2019 kung saan saan idinadawit si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ilan sa miyembro ng pamilya Duterte at si Senator Bong Go sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 26,342 total reads

 26,342 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 124,881 total reads

 124,881 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 210,251 total reads

 210,251 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 256,988 total reads

 256,988 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 304,858 total reads

 304,858 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 402,539 total reads

 402,539 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top