Committee vs vote-buying at vote-selling, itinatag ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,213 total reads

Opisyal na inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang Committee against Vote-buying and Vote selling bilang paghahanda sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang naturang komite ay tinagurian din bilang Committee on Kontra Bigay na naglalayung pangasiwaan ang pagpapaigting sa kampanya ng COMELEC laban sa talamak na vote buying at vote selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

Sa pangunguna ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kasama ang iba pang mga commissioners ng COMELEC ay tiniyak ng ahensya ang higit na pagpapaigting sa kampanya laban sa pagbili at pagbenta ng boto lalo na sa papalapit na halalang pambarangay sa ika-30 ng Oktubre, 2023.

Pangangasiwaan ni COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr. ang Committee on Kontra Bigay bilang Commissioner-in-Charge ng komite kung saan binigyang diin ng opisyal na napapanahon ng mawakasan ang matagal ng suliranin ng vote selling at vote buying sa bansa.

“There is really a need to reframe our policy against vote buying and vote selling, recognizing that these acts are also symptomatic of broader historical socio-economic problems, ilang dekada na ito na namamayagpag bunsod ng kaugaliang pakikisama, pami-pamilya at utang na loob, kaya utang na loob tama na.” Ang bahagi ng pahayag ni Maceda.

Tiwala si Maceda na sa pamamagitan ng bagong tatag na komisyon na nagsimula lamang bilang isang task force noong 2019 ay mas higit na matutugunan at matututukan na ng COMELEC ang matagal na nitong misyon na mawakasan ang nakaugalian ng pagbili at pagbibenta ng boto tuwing halalan.

“We will overcome vote buying and we will do together to start with, what used to be just a task force, just an ad hoc committee in 2019 is now a standing committee, a permanent committee of the COMELEC, the only permanent committee of the COMELEC dedicated to attacking what is truly an internal threat to democracy.” Dagdag pa ni Maceda.

Sa bisa ng COMELEC Resolution No. 10946 itinatag at binigyang kapangyarihan ng COMELEC ang Committee on Kontra Bigay para pigilan ang pagbili at pagbenta ng boto sa pamamagitan ng paglalatag at pagpapatupad ng isang maasahan at epektibong sistema ng pag-uulat, pag-iimbestiga, at pag-uusig ng pagbili at pagbenta ng boto bilang Election Offense sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Una ng binigyang diin ng Simbahang Katolika na mahalagang gumawa ng mga naaangkop na hakbang ang COMELEC upang masolusyunan at mawakasan ang iba’t ibang maling kaugalian tuwing sasapit ang halalan sa bansa kasabay ng pananawagan sa bawat isa na makisangkot sa kabuuang proseso ng halalan sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika.

Nasasaad sa Omnibus Election Code na nangunguna sa listahan ng election offense ang Vote Buying at Vote Selling kung saan mahaharap ang bumili ng boto at mga kinasangkapan nito gayundin ang humingi o tumanggap ng anumang halaga sa parusa ng pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, habang maari ding madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatan na bumoto.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,970 total reads

 24,970 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 122,357 total reads

 122,357 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 207,727 total reads

 207,727 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 254,463 total reads

 254,463 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 302,334 total reads

 302,334 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,133 total reads

 400,133 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top