Committee on KontraBigay ng COMELEC, suportado ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,298 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) na bagong Committee against Vote-Buying and Vote Selling.

Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, napapanahon ang naging hakbang ng COMELEC na pagtatatag ng Committee on KontraBigay upang tuluyan ng mawakasan ang talamak na vote buying at vote selling na maituturing na naging bahagi na ng halalan sa bansa.

“Vote buying has always been part of our elections. It is a welcome development that the Comelec has officially acknowledged that it is a problem and they have to do something to discourage the practice.” Ang bahagi ng pahayag ni Singson sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Singson, bukod sa pagtugon sa problema ng kahirapan na pangunahing dahilan sa pagbibenta ng boto ng ilang mga botante ay higit ding mahalaga na maipaunawa sa mga mamamayan ang kahalagahan ng boto at responsibilidad ng bawat isa na maghalal ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan at ng pamayanan.

Iginiit ni Singson na dapat na maunawaan ng bawat botante ang kahalagahan ng paghahalal ng mga karapat-dapat na opisyal na mamumuno at mangangasiwa ng pamamahala para sa kapakanan ng bawat mamamayan sa bansa.

“Quite apart from poverty that entices people to sell their votes, we need to convince our voters of the value of their votes and their responsibility to choose competent and well-meaning leaders who will govern rightly to benefit them and the country.” Dagdag pa ni Singson.

Ipinagdarasal ni Singson na maging epektibo ang bagong tatag na Committee on KontraBigay upang mawakasan na ng COMELEC ang talamak na vote buying at vote selling at maparusahan ang mga pulitiko na patuloy na ginagawa ito.

Ayon kay Singsong, “The idea of punishing vote buying is laudable and we hope that the Comelec can successfully discourage the candidates from violating the law because it can have painful consequences to their careers and their future.”

Sa bisa ng COMELEC Resolution No. 10946 itinatag at binigyang kapangyarihan ng COMELEC ang Committee on Kontra Bigay para pigilan ang pagbili at pagbenta ng boto sa pamamagitan ng paglalatag at pagpapatupad ng isang maasahan at epektibong sistema ng pag-uulat, pag-iimbestiga, at pag-uusig ng pagbili at pagbenta ng boto bilang pangunahing Election Offense sa ilalim ng Omnibus Election Code na may parusa ng pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, habang maari ding madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatan na bumoto.

Ayon sa tala ng COMELEC umabot ng 1,226 reklamo ng vote buying ang natanggap ng ahensya noong nakalipas na eleksyong 2022.

Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kauna-unahang halalan na pangangasiwaan ni Singson mula ng maitalaga bilang bagong chairman ng PPCRV noong Agosto ng nakalipas ng taong 2022.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 1,481 total reads

 1,481 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 10,192 total reads

 10,192 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 51,507 total reads

 51,507 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 85,634 total reads

 85,634 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 142,040 total reads

 142,040 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 1,482 total reads

 1,482 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top