Filipino Baby Bishops, malugod na tinanggap ng Pontificio Collegio Filippino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,289 total reads

Ikinalugod ng Pontificio Collegio Filippino ang pagtanggap sa Filipino Baby Bishops na kasalukuyang nasa Roma para sumailalim sa paghuhubog bilang mga bagong pastol ng simbahan.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, ang mga bagong talagang obispo ay naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na tanda ng mas malawak na pagmimisyon ng mga Pilipino na kamakailan ay nagdiwang ng ika – 500 taon ng kristiyanismo.

“Welcoming our Filipino Bishops assigned in the Philippines, Papua New Guinea, Japan, the US, the Holy Land and in the Vatican allows us to experience in a special way the Universal Church,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kabilang sa mga dadalo sa formation course ng Dicastery For Bishops ng Vatican at Regina Apostolorum para sa baby bishops sina Bishop Charlie Inzon ng Apostolic Vicariate of Jolo Sulu; Bishop Pablito Tagura ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Occidental Mindoro; Bishop Anthoy Celino, Auxiliary Bishop ng Diocese of El Paso sa America; Bishop Joseph Durero ng Diocese of Daru-Kiunga, Papua New Guinea; at Bishop Edgar Gacutan ng Diocese of Sendai sa Japan.

“All new Bishops come to Rome to attend a 10-day conference to orient them with the role of Bishops and the Church’s thrust in service and evangelization,” ani Fr. Gaston.

Bukod sa formation program may pagkakataon din ang mga obispo na makipagpulong sa Kanyang Kabanalan Francisco at bumisita sa iba’t ibang tanggapang pinamumunuan ng mga cardinal at obispo sa Roman Curia.
Binigyang diin ni Fr. Gaston na malaking tungkulin ang ginagampanan ng mga bagong obispo lalo’t tatlo rito ay nagsisilbi sa mga lugar na minorya lamang ang katoliko na isang pagsasabuhay sa temang ‘Gifted to Give’ sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

“Indeed, our Bishops, Priests, Religious and Lay people share the gift of Faith worldwide, in the Church, families, and wherever they are for work, study or even recreation,” saad ni Fr. Gaston.

Kabilang sa tumanggap sa baby bishops sa PCF sina Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization; Archbishop Tito Yllana ang Apostolic Nuncio sa Holy Land; at Ambassador Myla Grace Macahilig ang kinatawan ng Pilipinas sa Holy See gayundin sa iba pang paring nanunuluyan sa PCF na nag-aaral sa iba’t ibang institusyon sa Roma.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,994 total reads

 24,994 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 122,407 total reads

 122,407 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 207,777 total reads

 207,777 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 254,513 total reads

 254,513 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 302,384 total reads

 302,384 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,175 total reads

 400,175 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top