Malolos cathedral, binigyang pagkilala ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,164 total views

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Malolos, Bulacan partikular ang Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Malolos Cathedral na dating nagsilbing Palacio Presidencial ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Sa naganap na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines OIC-Executive Director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya.

Ipinaliwanag ni Arevalo na ang pagkilala ng NHCP sa ambag ng Malolos, Bulacan at ng Malolos Cathedral sa mayamang kasaysayan ng bansa ay bahagi ng isinasagawang pagkikila ng komisyon sa halos 100 mga lugar sa buong bansa na mayroong mahalagang ambag sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas bilang tugon sa idineklara ng pamahalaan na 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.

“Ang panandang pangkasaysayan na ating hinawi ay dagdag sa karangalan ng Malolos bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya, bahagi ito ng nagpapatuloy nating pagtuntun sa landas ng pagkabansang Pilipino mula sa Kawit hanggang Palanan mula taong 2023 hanggang 2026, ang panahong ito ay ideklara ng pamahalaan bilang 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.” Ang bahagi ng mensahe ni Arevalo.

Inihayag ni Arevalo na ang pagkilala sa mahalagang papel na ginampalanan ng lalawigan ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa ay isa ring hamon para sa mga Bulakeño upang ganap na maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan.

“Isang hamon sa mga Bulakeño ang napakabigat na kasaysayang kakambal ng inyong pagkatao, mabigat sapagkat pasan-pasan niyo ang responsibilidad na manatiling tagapagmana ng dakilang kasaysayan ng inyong lalawigan. Nawa’y manatiling nangungunang kampiyon ng kalayaan, demokrasya at pagkabalsa ang lalawigan ng Bulacan.” Dagdag pa ni Arevalo.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Malolos Cathedral ang mga katagang “Malolos: Landas ng Pagkabansang Pilipino 1898-1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,921 total views

 22,921 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 51,272 total views

 51,272 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 119,002 total views

 119,002 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 142,153 total views

 142,153 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,663 total views

 210,663 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top