1,686 total views
Muling idadaos ng Economy of Francesco Movement ang pandaigdigang pagtitipon sa Diocese of Assisi, Italy sa ika-6 ng Oktubre, 2023.
Sinabi ng EoF organizers na idadaos ang hybrid na pamamaraan kung ang hindi mapunta ng face-to-face ay maaring lumahok online ang kinatawan ng iba’t-ibang bansa sa “As mentioned and as per tradition, the event will be broadcast from the city of Poverello, the ideal homeland of EoF, the program will feature connected young people from around the world who will share stories and talents in the service of an economy with a soul. The live streaming will be broadcast from the Serafico Institute Theater, in the form of web radio,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radio Veritas.
Itutuon ang pagtitipon sa pagtugon ng EOF Movement sa mga suliraning pang-ekonomiya na nararanasan sa buong mundo na hindi sinisira ang kalikasan.
“Collective events begin when we try to tell them to someone who wants to listen to us.” In preparation for the October event, young people were also invited to try their hand at a narrative exercise through a competition entitled “The stories we are open to multiple narrative and artistic expressions,” ayon pa sa Diocese of Assisi.
Noong nakalipas na taon, matapos luwagan ang mga panuntunan mula sa banta ng COVID-19 Pandemic ay naidaos sa Diyosesis ang kauna-unahang World Meeting ng EOF Movement.
Sa gawain ay dumalo ang isang libong kinatawan ng 100-magkakaibang bansa kung saan umabot sa mahigit 20 ang kinatawan ng Pilipinas sa pangunguna ni Viory Janeo na EOF Advocate at Faculty ng University of Asia and the Pacific.