CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,176 total reads

Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers matapos isulong ang ‘Zero Remittance Week’.

Ayon kay CBCP-ECMI Vice-Chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos nawa ay pag-isipan itong mabuti ng maraming OFW at hindi na makiisa dahil malaki ang magiging epekto nito sa pamilyang Pilipino.

Ito ay dahil marami ang umaasa sa padalang salapi ng mga OFW upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan.

‘I feel deeply for the plight of our Overseas Filipino Workers, who are often hailed as moder-day heroes for their sacrifices and contributions to our nation, however I must express concern over the proposed ‘Zero Remittance Week’ as a form of protest, while I understand the emotions and frustrations that may have led to this initiative, I urge all involved to reflect on the broader implications of such an action,’ mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, napakahalaga din ng remittance rate ng mga OFW sa sektor ng pangkalahatang ekonomiya ng Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na lubhang maapektuhan ang mga negosyo at manggagawa sa negatibong epekto ng hindi pagpapadala ng remittances.

Apela ni Bishop Santos ang maayos na dayalogo sa pagitan ng mga nagsulong sa inisyatibo at isipin mabuti ang magiging negatibong epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas, higit na sa kanilang mga pamilya o mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

“As a Bishop, I call for unity and dialogue, let us seek peaceful and constructive ways to address our grievances without cause harm to our families,and our nation, I pray for wisdom, and discernment for all involved, that may we find a path and fosters healing and the common good, may we always remember that our strength as a people lies in our compassion and solidarity,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Nagsimula ang mga apela ng ‘Zero Remittance Week’ mula sa mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mapayapang pagpapahayag ng kanilang paninindigan matapos arestuhin ng International Criminal Courty (ICC) ang dating pangulo.

Batay naman sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa 3.24-Billion US Dollars ang OFW Remittance Rate noong January 2025, mas mataas ito 3.15-Billion US Dollars na datos noong January 2024 ngunit mas mababa sa naunang buwan ng December 2024 na umabot sa 3.73-Billions US Dollars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,057 total reads

 30,057 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,910 total reads

 66,910 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,121 total reads

 85,121 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,449 total reads

 169,449 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,443 total reads

 205,443 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,853 total reads

 20,853 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top