Malolos cathedral, binigyang pagkilala ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,310 total reads

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Malolos, Bulacan partikular ang Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Malolos Cathedral na dating nagsilbing Palacio Presidencial ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Sa naganap na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines OIC-Executive Director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya.

Ipinaliwanag ni Arevalo na ang pagkilala ng NHCP sa ambag ng Malolos, Bulacan at ng Malolos Cathedral sa mayamang kasaysayan ng bansa ay bahagi ng isinasagawang pagkikila ng komisyon sa halos 100 mga lugar sa buong bansa na mayroong mahalagang ambag sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas bilang tugon sa idineklara ng pamahalaan na 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.

“Ang panandang pangkasaysayan na ating hinawi ay dagdag sa karangalan ng Malolos bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya, bahagi ito ng nagpapatuloy nating pagtuntun sa landas ng pagkabansang Pilipino mula sa Kawit hanggang Palanan mula taong 2023 hanggang 2026, ang panahong ito ay ideklara ng pamahalaan bilang 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.” Ang bahagi ng mensahe ni Arevalo.

Inihayag ni Arevalo na ang pagkilala sa mahalagang papel na ginampalanan ng lalawigan ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa ay isa ring hamon para sa mga Bulakeño upang ganap na maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan.

“Isang hamon sa mga Bulakeño ang napakabigat na kasaysayang kakambal ng inyong pagkatao, mabigat sapagkat pasan-pasan niyo ang responsibilidad na manatiling tagapagmana ng dakilang kasaysayan ng inyong lalawigan. Nawa’y manatiling nangungunang kampiyon ng kalayaan, demokrasya at pagkabalsa ang lalawigan ng Bulacan.” Dagdag pa ni Arevalo.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Malolos Cathedral ang mga katagang “Malolos: Landas ng Pagkabansang Pilipino 1898-1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,370 total reads

 25,370 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,098 total reads

 123,098 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,468 total reads

 208,468 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,205 total reads

 255,205 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,075 total reads

 303,075 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,839 total reads

 400,839 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top