Tularan ang birheng Maria, hamon ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,927 total reads

Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa pagdiriwang ng banal na misa para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia, Naga City.

Sa kanyang pagninilay ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mahalagang papel na ginagampanan ng Mahal na Birheng Maria bilang tagapamagitan at gabay sa higit na paglapit ng bawat isa sa Panginoon.

Ayon kay Archbishop Brown, mahalagang gawing huwaran at sundin ng bawat isa ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria na ina ng pagkakaisa, katotohanan at wagas na pagmamahal na buong pusong tinanggap ang tungkuling maging Ina ni Hesus na siyang manunubos.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Mahal na Ina upang higit na mapalalim ang relasyon ng bawat isa sa Panginoon lalo na sa gitna ng iba’t ibang mga hamon na kinahaharap sa buhay.

“Mary, Our Lady of Peñafrancia, is the mother of unity, the mother of truth, and the mother of love. That is why she is our mother and why we are so devoted to her because coming close to Mary always bring us close to Jesus; As on the cross, Mary is on the foot of the cross with Jesus” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ibinahagi ng Papal Nuncio na isang hamon para sa bawat isa ang maging daluyan ng pagmamahal, katotohanan, pagkakaisa at kapatawaran para sa kapwa lalo’t higit para sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Let us in our own families be sources of unity, of love, of truth, of forgiveness. Let all of us be people who speak the truth, who live the truth, who are not captivated and tricked by the father of lies. Let all of us try to be people of love, who love our brothers and sisters, and who also love those who do not love us” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Tinatayang umabot sa 1.3-milyong mananampalataya ang nakibahagi sa naganap na Traslacion at Fluvial Procession para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia kung saan ayon sa Naga City Joint Operations Center naging maayos at mapayapa ang kabuuang paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na itinuturing na patron ng Bicol region.

Tema ng 2023 Peñafrancia Fiesta ang “Journeying with Inâ in deepening our relationship with God in these challenging times” na layuning paigtingin ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia bilang katuwang at kaagapay sa higit na paglapit sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 61,213 total reads

 61,213 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 94,105 total reads

 94,105 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 195,931 total reads

 195,931 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 236,489 total reads

 236,489 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 254,484 total reads

 254,484 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 51,511 total reads

 51,511 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top