Isabuhay ang salita ng Diyos -Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,419 total views

Higit pang pabanalin ang mga sarili sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap sa presensya at salita ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization sa ginanap na banal na Misa at pagbabasbas sa Sagrada Familia Church, ang bagong chapel na matatagpuan sa ikalimang palapag ng Gateway Mall 2 sa Araneta City, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagtatalaga ng bagong chapel lalo na sa isang establisimyento ay paraan upang higit na mapalawak at maipalaganap ang salita ng Diyos sa mas maraming mananampalataya.

Paliwanag naman ng cardinal na layunin ng mga banal na pagdiriwang at gawaing isasagawa sa Sagrada Familia Church na mas maipahayag ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos tungo sa kabanalan ng buhay.

“We should remember that divine worship or sacred celebrations like sacraments and liturgies are meant to do two major things: first is to glorify God, to worship God, to adore God. So, that aspect should not be forgotten. And secondly, in a holy place like this, especially during religious activities and sacraments most especially, as we glorify God, God sanctifies us,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Iginiit naman ni Cardinal Tagle na mahalagang mapakinggan at maisabuhay ang mga salita ng Diyos, upang maihanda ang sarili sa pagtanggap sa Panginoon sa pamamagitan ng Eukaristiya, at buong pusong magampanan ang tungkulin ng pagkakawanggawa sa kapwa.

“As we dedicate this chapel to God, and God will certainly sanctify it, we should contribute to the continuing sanctification of this place through our prayer, through our listening to the word of God, through our fervent worship, and through our discernment on God’s call for us to serve in charity,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ang Sagrada Familia Church ay isang modern minimalist design chapel na hugis mitra katulad ng isinusuot sa ulo ng mga Obispo, at mayroong sapat na lawak na maaaring magkasya ang 1,000 mananampalataya.

Matatagpuan naman sa itaas na bahagi ng altar ang imahen ni Hesus na nakabayubay sa krus na likha ng kilalang iskultor na si Willy Layug.

Nakatuwang naman ni Cardinal Tagle sa banal na pagdiriwang sina Fr. Ariston Sison, Jr., Fr. Ronnie Santos, Fr. Tony Labiao, at Fr. Tito Caluag.

Dumalo rin sa pagtitipon ang pamilya Araneta, mga opisyal ng Araneta Group, at tenants ng Araneta City malls.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 46,931 total views

 46,931 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 70,083 total views

 70,083 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 140,197 total views

 140,197 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 214,811 total views

 214,811 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 291,434 total views

 291,434 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top