Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tularan ang birheng Maria, hamon ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,772 total views

Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa pagdiriwang ng banal na misa para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia, Naga City.

Sa kanyang pagninilay ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mahalagang papel na ginagampanan ng Mahal na Birheng Maria bilang tagapamagitan at gabay sa higit na paglapit ng bawat isa sa Panginoon.

Ayon kay Archbishop Brown, mahalagang gawing huwaran at sundin ng bawat isa ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria na ina ng pagkakaisa, katotohanan at wagas na pagmamahal na buong pusong tinanggap ang tungkuling maging Ina ni Hesus na siyang manunubos.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Mahal na Ina upang higit na mapalalim ang relasyon ng bawat isa sa Panginoon lalo na sa gitna ng iba’t ibang mga hamon na kinahaharap sa buhay.

“Mary, Our Lady of Peñafrancia, is the mother of unity, the mother of truth, and the mother of love. That is why she is our mother and why we are so devoted to her because coming close to Mary always bring us close to Jesus; As on the cross, Mary is on the foot of the cross with Jesus” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ibinahagi ng Papal Nuncio na isang hamon para sa bawat isa ang maging daluyan ng pagmamahal, katotohanan, pagkakaisa at kapatawaran para sa kapwa lalo’t higit para sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Let us in our own families be sources of unity, of love, of truth, of forgiveness. Let all of us be people who speak the truth, who live the truth, who are not captivated and tricked by the father of lies. Let all of us try to be people of love, who love our brothers and sisters, and who also love those who do not love us” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Tinatayang umabot sa 1.3-milyong mananampalataya ang nakibahagi sa naganap na Traslacion at Fluvial Procession para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia kung saan ayon sa Naga City Joint Operations Center naging maayos at mapayapa ang kabuuang paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na itinuturing na patron ng Bicol region.

Tema ng 2023 Peñafrancia Fiesta ang “Journeying with Inâ in deepening our relationship with God in these challenging times” na layuning paigtingin ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia bilang katuwang at kaagapay sa higit na paglapit sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 18,985 total views

 18,985 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 41,051 total views

 41,051 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 56,747 total views

 56,747 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 64,613 total views

 64,613 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 127,372 total views

 127,372 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top