19 na obispo, sumailalim sa 5-day course ng CaritasPH Academy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,216 total reads

Labing siyam na obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas ang nagpatala sa Caritas Philippines Academy para sa 5-day course sa servant leadership and pastoral management for bishops.

Ayon kay Jing Rey Henderson-Head of communications and partnership development, layunin ng programa ang karagdagang kaalaman at pagsasanay gayundin ang kaisahan ng bawat diyosesis sa pagtugon sa kinakailangan ng kawan.

“Ang sinasabi ay dapat maging synodal ang simbanan, so una dapat naiimprove natin. Ang tawag po natin sa academy is professionalism with a heart kasi hindi naman pwede na… dati namulat tayo na dati sa simbahan mag-volunteer ka lang okay ka na, pero anong klase ang serbisyo na na dapat ibibigay natin dun sa mga tao,” ayon kay Henderson.

Ang kurso para sa mga obispo ay isasagawa isang beses sa isang taon, habang ilang kurso rin ang iniaalok para sa iba pang manggagawa at volunteer ng simbahan, kabilang na ang mga kawani ng diocesan social action center na may programa ang simbahan dalawang beses sa isang taon.

“Kung sinasabi natin na tayo ang ‘church of the poor’, dapat yung poor na pinagsisilbihan natin makatatanggap ng pinakamaayos, pinakamahusay, pinakamagaling na serbisyo galing sa simbahan at ‘yun po ang ginagawa natin ngayon. Iaangat ‘yung level, ‘yung antas, ‘yung kalidad ng pagseserbisyo ng ating mga social action worker, social action centers as a whole,” ayon pa kay Henderson.

Nagsimula ang 5-day program para sa mga obispo kahapon at magtatagal hanggang sa Biyernes sa Caritas’ Development Center sa Tagaytay City.

Kabilang din sa mga magsisilbing tagapagturo si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization at Catholic Bishops Conference of the Philippine President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Ayon naman kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakatuon ang bishops course sa paraan ng pamamahala ng Santo Papa Francisco -ang pananampalataya, awa at malasakit.

Ilan sa mga obispo na sumailalim sa kurso sina Archbishop Guilbert Garcera ng Lipa; Bishops Jerry Alminaza, San Carlos Negros Occidental; Rey Evangelista ng Imus; Valentin Dimoc ng Bontoc, Lagawe; Cosme Almedilla ng Butuan; Marvin Maceda ng San Jose de Antique; Allan Dialogo ng Sorsogon; Joel Baylon ng Legazpi; at Bartolome Santos ng Iba Zambales.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,083 total reads

 59,083 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,187 total reads

 138,187 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,632 total reads

 171,632 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,930 total reads

 206,930 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,057 total reads

 431,057 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top