There is joy and fulfilment once to embrace God, Bishop Ongtioco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,235 total reads

Tunay na makakamtan ang kaganapan ng buhay sa pagyakap at pagtanggap sa presensya ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa banal na Misa para sa Paggunita kay Santa Teresita ng Batang Hesus o St. Therese of Lisieux sa Lung Center of the Philippines, Quezon City.

Ayon kay Bishop Ongtioco, naging makabuluhan ang buhay ni Sta. Teresita na bagamat bata pa ay ipinamalas na ang kahandaan ng kalooban sa misyong iniatas ng Panginoon.

“Once you embrace our God, that is everything. There is joy, there is fulfilment in your life. So, ‘yan po ang mapupulot natin kay St. Therese. Kahit na maliit tayo, binigyan tayo ng kakayahan ng Diyos dahil mayroon tayong inaasam. Uhaw, gutom, ang ating damdamin, ang ating kalooban upang hanapin ang Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Pagbabahagi ng obispo na tinalikuran ni Sta. Teresita ang karangyaan, at sa halip ay pinili ang payak na pamumuhay upang buong pusong tanggapin ang tawag ng Panginoon tungo sa kabanalan.

Hamon naman ni Bishop Ongtioco sa bawat mananampalataya na tularan ang buhay ni Sta. Teresita na bagamat payak ay nakamtan pa rin ang kaligayahan dahil sa presensya ng Diyos.

“Lahat tayo ay daluyan ng pagmamahal ng Diyos. Lahat tayo ay mahalaga sa Diyos. Ang mahalaga ay kinikilala natin kung sino ang maaaring yumakap sa atin at itaas tayo. ‘Yan ang Diyos, ‘yan ang ating buhay, ‘yan ang ating lakas,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Si St. Therese ay isang French Carmelite nun na namayapa noong ika-30 ng Setyembre, 1897 sa edad na 24 sanhi ng tuberculosis.

Idineklara siyang banal ni Pope Pius XI noong 1925 dahil sa kanyang payak na buhay-pananampalataya, at itinuring na patron ng mga may sakit sa baga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 112,875 total reads

 112,875 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 250,751 total reads

 250,751 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 366,527 total reads

 366,527 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 482,436 total reads

 482,436 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,982 total reads

 243,982 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top