Student Priests mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, welcome sa PCF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,652 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Pontificio Collegio Filippino ang patuloy na paglilingkod sa buong simbahan.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston bukod sa mga paring Pilipinong nag-aaral sa Roma nagsisilbing kanlungan din ang institusyon ng mga pari mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“The CBCP serves the Church in other countries by welcoming their student priests at the Collegio. African and Asian countries in general have no collegios of their own.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kamakailan ay bumisita sa PCF si Malaysian Cardinal Sabastian Francis bago dumalo sa Synod of Bishops sa Vatican kasama ang delegasyon ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Fr. Gaston na 1981 hanggang 1983 nang manirahan si Cardinal Francis sa PCF nang mag-aral ng Licentiate in Dogmatic Theology sa Angelicum University sa Roma.

Batay sa kasaysayan ng 62 taong paglilingkod ng PCF may mga paring nanirahan sa institusyon mula sa mga bansang Indonesia, Myanmar, Japan, Korea, Vietnam, China, Pakistan, India, Sri Lanka, Angola, Nigeria, Tanzania, Congo, Kenya, Ruanda, Cameroon, Malawi, Senegal, Mozambique, Uganda, Madagascar, Tanzania, Burkina Faso, Venezuela, United States of America, Columbia, Trinidad, Tobago, Haiti, Samoa, New Zealand at Italy.

Binigyang diin ni Fr. Gaston na isinasabuhay ng PCF ang diwa ng ‘Gifted to Give’ kung saan ibinabahagi sa mundo ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap.

“This rich history of service to the Universal Church reflects in a concrete way the theme of our celebration of 500 years of Christianity in the Philippines, ‘Gifted to Give’.” ani Fr. Gaston.

Pinasalamatan ng pari ang lahat ng patuloy nagbibigay ng kanilang suporta sa PCF dahil ito rin ay pakikiisa sa misyon ng simbahan sa buong daigdig.
Kasalukukyang nakatalaga bilang chairperson ng Commission on Pontificio Collegio Filippino ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Antipolo Bishop Ruperto Santos.

Itinatag ang PCF noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang tahanan ng mga Pilipinong paring nag-aaral sa Roma kung saan ngayong taon may 17 mga pari ang dumating mula sa iba’t ibang diyosesis ng Pilipinas.

Sa kasalukuyang datos may 50 Pilipinong pari ang naninirahan sa institusyon habang pito naman ang mga dayuhan.

Ilan sa mga paring nagtapos ng kanilang advance studies sa Roma ang naglilingkod sa iba’t ibang simbahan, mission territories sa buong mundo kabilang na sa Vatican City

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 10,302 total views

 10,302 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 10,302 total views

 10,302 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 124,123 total views

 124,123 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 146,921 total views

 146,921 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 167,320 total views

 167,320 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top