Buhay Kooperatiba program ng Radio Veritas, bibigyang parangal ng CDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,274 total reads

Igagawad ng Cooperative Development Authority (CDA) ang pagkilala at parangal sa programang ‘Buhay Kooperatiba’ ng himpilan ng Radio Veritas 846 sa gaganaping CDA Gawad Parangal Awarding Ceremony sa Philippine International Concvention Center sa October 13.

Ang Gawad Parangal ay ang pagbibigay parangal ng ahensya sa mga indibidwal, institusyon, programa, lokal na pamahalaan, media partners at kompanya nagsasabuhay ng mga mabubuting adhikain ng mga kooperatiba.

Ipinaparating naman ni Jojie Marasigan – Anchor ng Buhay Kooperatiba ang pasasalamat sa tatanggaping parangal sa CDA at himpilan ng Radio Veritas.

Ayon kay Marasigan, ang naunang sampung taon na pag-ere ng Buhay Kooperatiba ay simula pa lamang ng pagpapatuloy ng mga katulad na sangay ng simbahan sa pagsusulong sa mga layunin ng mga kooperatiba.

“Salamat sa Cooperative Development Authority sa pagbibigay Ng Gawad Parangal bilang pagkilala sa programang Buhay Kooperatiba bilang partner sa pagpapalaganap Ng kilusang kooperatiba, salamat din sa Radio Veritas sa walang sawang pagsuporta sa Buhay Kooperatiba program sa loob Ng mahigit sampung taon, sa tulong ng Diyos, nawa ay maipagpatuloy natin Ang pagpapalaganap Ng kaalaman at mahahalagang impormasyon tungkol sa kilusang kooperatiba tungo sa maunlad na Buhay para sa ating sambayanan,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Marasigan sa Radio Veritas.

Patuloy din ang paggunita ng CDA sa buong buwan ng Oktubre bilang National Cooperative Month kung saan idinadaos ang mga gawain sa ibat-ibang regional at national branches ng ahensya.

Ilan sa mga gawain ay ang mga livelihood programs, job fares at seminars na inahahandog para sa mga miyembro ng kooperatiba at maging sa mga payak na mamamayan upang higit na umusbong ang kooperatibismo sa lipunan.

Sa opening ceremony ng COOP Month na may temang “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security” ay iniulat na umaabot na sa higit 20-libo ang kabuoang bilang ng mga kooperatiba na binubuo ng mahigit na 19-milyong miyembro sa Pilipinas.

Patuloy ding hinihimok ni CDA Chairman Joseph Encabo ang mamamayan higit na ang mga miyembro ng mga Church-based Cooperatives na palawigin at himukin ang kanilang kapwa tungo sa pakikiisa sa mga kooperatiba.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 387 total reads

 387 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,681 total reads

 50,681 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,047 total reads

 136,047 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,783 total reads

 182,783 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,654 total reads

 230,654 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,179 total reads

 332,179 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 388 total reads

 388 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top