Kauna-unahang global “world day, the Order of Malta, isasagawa ng Sovereign Order of Malta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,319 total reads

Isasagawa ng Sovereign Military Order of Malta ang kauna-unahang World Day, the Order of Malta sa October 14.

Layunin nitong patuloy palalawakin ang mga gawaing kawanggawa sa pamayanan sa pamamagitan ng kristiyanong pamamaraan. Ito ay kasabay ng paggunita kay Blessed Gerard, ang founder ng Order of Malta sa October 13.

“The celebration of its World Day, the Order of Malta brings to focus its international role in providing humanitarian assistance to those in need…It continues to uphold its mission of service to the sick, the poor and the needy through its many institutions, grand priories and national associations worldwide,” bahagi ng pahayag ng Order of Malta Philippines.

Napagkasunduan ng grupo na gawing global event ang pagdiriwang kasunod nang matagumpay na National Day sa Italya sa mga nakalipas na taon.

Magbubuklod ang mga Grand Priories, national associations at volunteers sa pagsasagawa sa mga gawain at proyekto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na layong isabuhay ang libong taong kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod ng Order of Malta sa pamayanan.

Kaugnay nito, magsasagawa ng medical mission ang Order of Malta Philippines katuwang ang mga institusyon sa kanilang tanggapan sa Quiapo Manila sa October 14 mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Ilan sa libreng konsultasyon na isasagawa ang para sa ENT, dental, pediatric, obstetric, at gynecological cases.

Mula nang maitatag ang Philippine Association of the Order of Malta noong 1957 aktibo na ito sa mga kawanggawa at advocacy programs para sa mga may leprosy, HIV/AIDS gayundin sa disaster response and recovery.

Kabilang na rito ang pagpatayo sa 641 housing units sa Bantayan Island sa Cebu at Basey Samar na biktima ng Super typhoon Yolanda noong 2013; ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na sa Metro Manila noong 2020 nang umiral ang COVID-19 pandemic.

Bukod dito nakiisa rin ang Order of Malta Philippines sa proyektong pagbibigay ng malinis na tubig sa Benguet noong 2010 sa pamamagitan ng Water, Sanitation and Hygiene o (WASH) Projects.

Ang grupo ng lay religious order ng simbahang katolika ay saklaw ng international law na may diplomatic relations sa 112 mga bansa at sa European Union kung saan nakatalaga sa Roma ang punong tanggapan mula pa noong 1834.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,640 total reads

 14,640 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,973 total reads

 72,973 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,340 total reads

 158,340 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,076 total reads

 205,076 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,947 total reads

 252,947 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,358 total reads

 353,358 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top