Panibagong fare hike, binatikos ng Move as One Coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,450 total reads

Palawigin ang service contracting at maglaan ng sapat na pondong para sa sektor ng tranportasyon.
Ito ang apela ng Commuters at Transport group na Move as One Coalition sa pamahalaan sa panibagong taas pasahe na ipatupad noong ika-8 ng Oktubre 2023.

13-pesos ang minimum fare sa mga traditional jeepneys at 15-piso naman sa mga modern jeepney units gayundin sa bus .

Iginiit ni Reycel Hyacenth Nacario Bendaña, ng Move as One Coalition na hindi tamang ipataw sa commuters at transport workers ang pasakit ng patuloy na pag-taas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“Ang panawagan ay gamitin ng gobyerno yung pondong nakalaan para sa pampublikong transportasyon na pinaglaban ng ating mga commuters at transport workers ng mga nakaraang taon para mabigyan ng abot-kayang serbisyo ang ating mga commuters at hindi masakripisyo ang kita ng ating mga transport workers sa kanilang pang araw-araw,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bendaña.

Tiwala din si Bendaña na sa tulong ng service contracting kung saan magkakaroon ng itinakdang kita ang mga public utility vehicle drivers at konduktor ay maiiwasan na maipasa sa mamamayan ang pasakit.

Maaring magamit ang mungkahi ng grupo sa pang-matagalang pamamaraan dahil sa kasalukuyan ay hindi tiyak ang magiging paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa Oil Deregulation law.

Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs sa pamahalaan na dinggin ang apela ng mamamayan upang maipatupad ang wastong katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 27,644 total reads

 27,644 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 128,909 total reads

 128,909 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 199,084 total reads

 199,084 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 285,581 total reads

 285,581 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 326,594 total reads

 326,594 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top