Pagbuo ng matatag na komunidad, panawagan ng Caritas Philippines sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,147 total reads

Nanawagan ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na magkaisa at magtulungan sa pagbubuo ng isang matatag na komunidad para lahat at sa susunod pang henerasyon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng International Day for Disaster Risk Reduction ngayong araw.

Ayon sa Caritas Philippines, dapat na maisantabi ang mga salik na nagdudulot ng pagkakahati-hati ng lipunan kabilang na ang kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa oras ng kalamidad at sakuna.

“On this International Day for Disaster Risk Reduction, Caritas Philippines calls on everyone to work together to fight inequality and build a more resilient future for all. Poverty, inequality, and discrimination are major drivers of disaster risk. When people are marginalized and excluded, they are more likely to live in risky areas and have less access to resources and support to prepare for and recover from disasters. We can curb the destructive power of hazards and build a more resilient future for all by addressing inequality, investing in resilience, and protecting the most vulnerable.” Ang bahagi ng panawagan ng Caritas Philippines.

Iginiit ng Caritas Philippines na mahalaga ang kahandaan at kaalaman ng bawat mamamayan sa oras ng kalamidad.

Tema ng 2023 International Day for Disaster Risk Reduction ngayong taon ang “Fighting Inequality for A Resilient Future” na naglalayong labanan ang hindi pagkakapantay-pantay upang magkaroon ng mas matatag at nagkakaisang lipunan.

Batay sa pag-aaral ng United Nations noong 2015, ika-apat ang Pilipinas sa mga pinakalantad na bansa sa mga kalamidad kung saan tinatayan aabot sa mahigit 20-bagyo ang nananalasa sa bansa kada taon.

Unang nilinaw ng Simbahang Katolika na hindi parusa ng Diyos ang mga nagaganap na kalamidad sa mundo, tulad ng lindol at malalakas na bagyo sa halip ay bunga lamang din ng kapabayaan ng mga tao na maaaring maiwasan kung ang bawat mamamayan ay magkakaroon ng malasakit sa kalikasan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,088 total reads

 16,088 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,618 total reads

 5,618 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,249 total reads

 87,249 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,474 total reads

 181,474 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,964 total reads

 241,964 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,584 total reads

 255,584 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,089 total reads

 16,089 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,849 total reads

 17,849 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top