Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Food sovereignty, tiniyak ng Caritas PH

SHARE THE TRUTH

 3,151 total views

Tiniyak ng Caritas Philippines ang patuloy na pagkakaloob ng sapat at masustansyang suplay ng pagkain sa bawat pamilyang Pilipino.

Ito ang binigyan diin ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng World Food Day.

Nanindigan din ang Caritas Philippines na bukod sa sapat na suplay ay napakahalaga ang pagkakaroon ng nutrisyon at malinis na pagkain ng mga Pilipino lalu na ang mga batang edad limang taong gulang pababa.

Inihayag ni Jing Rey Henderson, Communication and Partnership Development coordinator ng Caritas Philippines na binibigyan halaga ng 7-alay kapwa legacy program ng Caritas PH ang livelihood at food security ng mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Henderson na hindi sang-ayon ang Caritas PH sa laganap na industrialization sa bansa.

“For the World Food Day, Caritas Philippines is really striving to be able to contribute para sa, not only sa food security ng ating bansa, lalong-lalong na ng mga Pilipino na nasa laylayan ng lipunan kungdi for food sovereignty Kaya part ng ating seven alay kapwa legacy program is on livelihood and food security, this is giving premium really to our farmers, to our fisherfolks to everyone who produces our food dahil alam natin na sila parin ang magdadala ng development sa Pilipinas and not industrialization not any other sector or work kungdi ang agrikultura because primarily Philippines is still and will always be an agriculture country.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Henderson.

Ibinahagi naman ni Jing Rey Henderson na katuwang ng Caritas PH sa pagsusulong ng organic farming ay diocese of Dipolog, Iba, Ilagan , San Jose at ilang mga diyosesis na nasa Mindanao.
Patuloy din ang pakiki-pagtulungan ang Caritas Philippines sa mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng 7-alay kapwa legacy program kasama na ang pagkakaroon ng mga food bank para sa mahihirap na mamamayan.

Ngayong taong 2023, itinalaga ng Geneva Foundation ang paggunita ng World Food day sa temang: Water is life, water is food. Leave no one behind”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,625 total views

 14,625 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,293 total views

 23,293 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,473 total views

 31,473 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,487 total views

 27,487 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,538 total views

 39,538 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,342 total views

 9,342 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,855 total views

 7,855 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top