Gamitin ang makabagong teknolohiya sa ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,224 total reads

Hinimok ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez ang mamamayan lalo’t higit ang kabataan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa ebanghelisasyon.

Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng kapistahan ni Blessed Carlo Acutis noong October 12 sa misang ginanap sa Santiago Apostol Parish sa Paombong Bulacan.

Ayon kay Bishop Iniguez, nawa’y tularan ng mga kabataan ang beato na ginamit ang hilig at kasanayan sa teknolohiya at internet sa pagpapalaganap ng pananampalataya.

“Si Blessed Carlo ay isang napakagandang panawagan ng Panginoon para sa atin sapagkat siya bukod sa kanyang pagiging bata ginamit niya ang ginagamit ng maraming kabataan ngayon ang modern means of communication upang ipalaganap ang pinakadakilang sakramento ng ating pananampalataya ang Banal na Misa,” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam ng Radio Veritas.

Tinuran ng obispo ang pag-ibig ni Blessed Carlo sa Banal na Eukaristiya at sa malalim na debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa paggamit ng kakayahan at talento sa computer at internet kung saan itinampok ang ‘Eucharistic Miracles’ upang mapalago ito sa buong mundo.

Ayon naman sa debotong si John Paul Ayde na kasapi ng Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, nararapat tularan ang beato sa kanyang halimbawang gamitin ang makabagong teknolohiya nang naaayon sa kalooban ng Panginoon.

“Pwede nating tularan si Blessed Carlo na sa paggamit ng modern technology ng Artificial Intelligence dapat naaayon sa kalooban ng Diyos. Tinuruan tayo na ang ganitong bagay ay regalo sa atin ng Diyos kaya dapat natin itong gamitin sa tama at wasto,” ani Ayde.

Iginiit ni Ayde na napapanahon nang kumilos lalo’t higit ang kabataan para palawakin ang ebanghelisasyon sa internet sa halip na malulong sa iba’t ibang adiksyon tulad ng pornograpiya.

Pumanaw ang beato noong 2006 sa edad na 15 taong gulang dahil sa leukemia kung saan sa kanyang nalalabing mga araw ay buong puso at kababaang loob na inialay kay Hesus, sa Santo Papa, at sa buong simbahang katolika ang kanyang paghihirap.

October 10, 2020 nang ma-beatipikihan ang beato sa ritong pinangunahan ni Pope Francis.

Binuksan din ng Diocese of Assissi sa Italy ang himlayan ni Blessed Carlo sa Sanctuary of the Renunciation na bahagi ng St. Mary Major na maaring dalawin ng mga deboto.

Ipinalalaganap naman ng Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines sa pamamatnubay ni Malolos Bishop Dennis Villarojo at Fr. Jerome Ponce, OFM ang debosyon ng beato sa Pilipinas na unang pinagkalooban ng first class relic na ex corpore et ex capilis ni Beato Carlo mula sa Diocese of Assisi at ng Associazione Amici di Carlo Acutis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 182,907 total reads

 182,907 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 244,594 total reads

 244,594 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 290,305 total reads

 290,305 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 391,572 total reads

 391,572 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 451,988 total reads

 451,988 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top