36th Prison Awareness Week, pormal na sinimulan ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,185 total views

Opisyal ng nagsimula ang paggunita ng 36th Prison Awareness Week o ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’.

Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pambungad na gawain sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – CBCP chapel sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Bishop Florencio na siya ring incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalaga ang paggunita ng Prison Awareness Week upang mapatatag ang pagmimisyon at kamalayan ng lahat sa prison ministry ng Simbahan para sa higit na pagiging epektibong daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nagkasala at nagkamali sa buhay na kadalasan ng naisasantabi sa lipunan.

“Itong one week na celebration ng prison awareness ito ay mahalaga para sa atin na meron tayong mga kapatid na PDL na nandoon sa kulungan, hindi man siguro nila ginusto ang mga ito ngunit sa mga ginagawa natin siguro yun ang nangyari sa kanila, ngunit hindi natin ibig sabihin na nawawala sila sa syudad kasi sila din po ay mga tao katulad natin, nilikha ng Diyos, minahal ng Diyos so dapat mayroong support din tayo doon lalong lalo na coming from yung mga taong may generous heart.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin rin ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio – Executive Secretary, CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang kahalagahan ng pagiging misyunero ng bawat isa bilang katuwang ng Simbahan sa misyon ng patuloy na pagbibigay halaga sa buhay at dignidad ng mga indibidwal na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

“Sa kabila po ng pagkakaiba-iba po natin at pagkakanya-kanya, nagkakaroon po tayo ng mutual support dahil mayroong love. Mayroon po tayong misyon ng pagmamahal at lalong-lalo na ang misyon na ito ay ang misyon po natin sa Diyos at ang misyon po natin sa mga kapatid natin na nasa mga bilangguan, yung mga PDLs na tinatawag po natin. At muli kagaya po ng sabi ni Pope Francis ‘Courage, Jesus is expecting great things from us’ at gawin po natin yung inaasahan po na ito ng ating Panginoon sa atin sa pamamagitan po ng pagmimisyon, ng pagmamahal.” Ayon kay Fr. Lirio.

Tema ng 36th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan ilang mga gawain ang inihanay ng prison ministry ng Simbahan ngayong ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’ kabilang na ang pagbisita sa ilang mga bilanggo sa piitan.

Taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 37,543 total views

 37,543 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 55,443 total views

 55,443 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 102,009 total views

 102,009 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 90,129 total views

 90,129 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 108,808 total views

 108,808 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top