CHAMP elections, isinusulong ng Knights of Columbus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,874 total reads

Katuwang ng Diocese of Tagbilaran ang Knights of Columbus sa pagtataguyod ng malinis at mapayapang BSKE.

Nagkaisa ang KofC at Tagbilaran Bishop Alberto Uy para tiyakin ang matapat na pagpili ng mga lider sa bawat barangay.

Naniniwala ang grupo na mahalaga ang pagkakaroon ng ‘Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful (CHAMP Elections) sa mga barangay lalo’t ito ang pangunahing tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

“Ang Barangay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan at ito ang unang nilalapitan ng mga tao para sa serbisyong pampamahalaan. Ang ninanais na matapat na paglilingkod ng pamahalaan ay dapat magsisimula sa mga barangay.” bahagi ng pahayag ng Knights of Columbus ng diyosesis.

Umaapela ang grupo sa mga botante na pahalagahan ang bawat boto at huwag hayaang masayang tulad ng pagbebenta at paghingi ng pabor sa mga kandidato; kilalanin ang mga kumakandidato lalo na ang kanilang plataporma at mga planong gagawin at huwag gamiting pagkakataon ang panahon ng pangangampanya para humingi ng tulong o donasyon sa mga kandidato at iwasan ang pagkakaroon ng utang na loob upang maisabuhay ang malayang pagpili ng mga lider ng komunidad.

Pinaalalahanan naman ang KofC ang mga kandidato na iwasan ang pagbili ng boto; igalang ang kapwa kandidato at iwasan ang pagsasalita ng ikasisira ng dignidad ng kapwa at iwasan ang pagpapalaganap ng fake news.

Itinakda ng Commission on Elections hanggang October 28 ang pangagampanya ng mahigit isang milyong kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections para punan ang 42 libong posisyon sa Barangay Captain, SK Chairperson at halos 300-libong Kagawad.

Samantala iniulat ng Comelec na may 361 lugar sa bansa ang isinailalim sa red category dahil sa mga ulat ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa October 30.

Panawagan ng simbahan sa mamamayan na magtulungang isulong ang matapat, malinis at mapayapang halalan sa BSKE 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 12,634 total reads

 12,634 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 45,968 total reads

 45,968 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 78,114 total reads

 78,114 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 144,170 total reads

 144,170 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 162,652 total reads

 162,652 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top