Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng PWDs sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 12,930 total views

Kapanalig, isa sa mga maituturing na tila invisible na grupo ng tao sa ating bansa ay ang mga PWDs o persons with disabilities. Tinatayang umaabot sa 12% ng ating populasyon na may edad 15 pataas ay binubuo ng PWDs. Ang bilang na ito ay mataas pa dahil hindi kasama dito ang mga bata.

Napakahalaga na lahat ng PWDs ay ating nabibilang dahil ito ang basehan ng mga mga serbisyo na mailalatag ng pamahalaan para sa kanila. Halimbawa, sa ating mga paaralan, kapanalig. PWD ready ba ang ating mga eskwelahan – ang mga classrooms at iba pang pasilidad sa ating mga pampubliko at pribadong paaralan ay accessible ba sa mga batang naka wheelchair o saklay?

Sa ating public transport, kita naman natin na hindi talaga ito PWD friendly, sa urban areas man o kahit sa mga rural areas. Napakahirap para sa kanila makapunta sa iba ibang destinasyon dahil paglabas pa lamang ng kanilang pintuan, maraming hamon na silang hinaharap. Malaking balakid ito kapanalid, sa kanilang produktibong pakikilahok sa lipunan.

Hindi lamang ukol sa mobility, ang usapan dito, kapanalig. Halimbawa na lamang ay ang mga bilang ng mga batang may learning at cognitive challenges. May sapat ba tayong mga espesyalista at pasilidad na maaaring ma-access agad ng mga pamilya upang makakuha ng diagnosis at suporta kung ang  kanilang mga anak o kaanak ay may, halimbawa, dyslexia, ADHD, o autism? Accessible ba ang mga ito sa mga maralita?

Ang malaking bahagi din ng ating mga mamamayan ay hindi mulat sa sitwasyon ng PWDs. Hanggang ngayon nga, kahit pa marami na halimbawa ang may hawak ng PWD IDs, nakakaranas pa rin sila ng diskriminasyon. Karamihan sa atin, tinutumbas ang kapansanan sa problema sa mobilidad lamang. Yung mga disabilities na hindi kaagad nakikita, gaya ng sakit ng kanser, psoriasis, speech and language impairment, pagkabingi, ay minsan pinagdududahan pa ng mga kababayan natin. Nakakasakit na tayo, kapanalig, sa damdamin nila, at hindi lang yan, pinagdadamutan pa natin sila ng mga serbisyo at karapatan na dapat nakukuha nila.

Kapanalig, kailangan nating gawing inklusibo ang ating lipunan. Kailangan nating masuri ng mabuti ang kalagayan ng ating mga PWDs at huwag silang tingnan bilang burden ng bayan kundi untapped resource na ating lipunan. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe noong International Day of Persons with Disabilities: “Inclusion of PWDs should not remain a slogan.” Kailangan nating iparamdam sa kanila na sila ay kaisa sa atin. Kailangan nating tanggalin ang mga hadlang sa kanilang epektibong paglahok sa lipunan, hindi lamang sa pamamagitan ng imprastraktura, kundi sa pagsulong din ng ating “spirituality of communion” upang maramdaman nating lahat na tayo ay tunay na iisa Simbahang nanalig sa mapagmahal na Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,809 total views

 18,809 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,909 total views

 26,909 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,876 total views

 44,876 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,031 total views

 74,031 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,608 total views

 94,608 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,810 total views

 18,810 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 26,910 total views

 26,910 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,877 total views

 44,877 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,032 total views

 74,032 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 94,609 total views

 94,609 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,033 total views

 86,033 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,814 total views

 96,814 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,870 total views

 107,870 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,732 total views

 71,732 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,161 total views

 60,161 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,383 total views

 60,383 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,085 total views

 53,085 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,630 total views

 88,630 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,506 total views

 97,506 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,584 total views

 108,584 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top