Debosyon sa Itim na Nazareno, ipagpapatuloy ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na habang tumatagal ay mas lalaki pa ang bilang ng mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon sa obispo, nagagalak naman siya sa mga ulat, na dagsa ang mga kabataan sa Traslacion ng imahen dahil tanda ito na ang debosyon ay magpapatuloy dahil sa mga kabataan.

Dagdag ni Bishop Bacani, tanda ito na may pag-asang naghihintay para sa lahat ng mga mananampalataya.

“Dahil sa kabataan, ang dami na nilang dumadalo sa debosyon ito ay isang tanda na ang debosyong ito ay nagpapatuloy at hindi mamamatay dahil mga kabataan na ang sumasali dito ngayon yan ang unang napakagandang sign ng pagasa para sa lahat.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, pinayuhan ng obispo ang mga deboto ng Itim na Nazareno na sabayan ng pagpapalalim ng pananampalataya ang kanilang debosyon.

Dagdag ni bishop Bacani, maganda rin ang ginagawang pagpapaliwanag ng mga namamahala sa Quiapo Church bago ang bawat Misa para na rin maliwanagan pa ang mga tao sa tunay na kahalagahan ng pagpapalalim ng pananampalataya.

“Harinawa itong pagdami ng deboto sabayan natin ng pagpapalalim ng kanilang kaalaman tungkol sa ating pananampalataya. Sa Quiapo Church maganda ang pagpapaliwanag na ginagawa bago mag-Misa. Kahapon, mismong araw ng Traslacion bago mag-Misa merung paliwanag na magandang ginagawa. Hariwana, atin itong ipagpatuloy na gagawin upang ang pananampalataya ng mga tao ay enlightened o naliliwanagan at hindi lamang emosyon o religiosity. Kapag ito ay may diwa talagang pinapakita nito ang buhay ng Diyos, buhay ng ordinaryong tao na ang kanya espiritu ay kumikilos kahit sa mga sinasabi nating maliliit, hindi masyadong nakapag-aral, kahit hindi Teologo talagang ang Holy Spirit at nandiyan at pinapakita nilang presensiya ng Espiritu ay sa alab ng kanilang pagmamahal sa Panginoon,” ayon pa sa obispo.

Samantala, generally peaceful ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazereno na tumagal ng 22 oras dahil walang naitalang anumang untoward incident at walang casualties.

Ayon naman kay NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 2.5 milyon ang kanilang crowd estimate sa mga nakilahok sa Traslacion ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 58,248 total views

 58,248 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 81,400 total views

 81,400 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 151,514 total views

 151,514 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 226,128 total views

 226,128 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 301,973 total views

 301,973 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 146,294 total views

 146,294 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 311,204 total views

 311,204 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top