Pilipinas, walang kakayahan sa nuclear energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,199 total reads

Inihayag ng opisyal ng Stewardship Office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi sapat ang kakayahan ng bansa para isulong ang nuclear energy.

Ayon kay Stewardship chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, dapat suriing mabuti ng pamahalaan ang mga posibilidad at magiging epekto sakaling pahintulutan at matuloy ang panukalang nuclear energy sa bansa.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang malilikhang nuclear waste na napatunayan na sa mga pagsusuri na mapanganib para sa kalikasan lalo’t higit sa kalusugan ng mamamayan.

“Para sa akin, short-sighted ‘yung dadaan tayo sa nuclear energy e. Kasi marami nang mga bansa ang iniiwasan ‘yan at mas magiging problema natin ‘yan sa nuclear waste pagkatapos. Alam naman natin na ang record ng ating gobyerno na mahina tayo sa maintainance, kasi paano imemaintain ‘yan? lalong lalo na sa Bataan na inaayawan ng mga taong taga roon at silang unang maaapektuhan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit naman ng obispo na sa halip na nuclear energy, dapat higit na pagtuunan ng pamahalaan ang pagsusulong sa renewable energy.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na malaki ang reserba ng bansa sa malinis na enerhiya tulad ng solar, wind, at hydro energy kaya makabubuting ilaan na lamang ng pamahalaan ang pamumuhunan dito.

“Kaya sa halip na nuclear energy na masyadong mahal at mahirap pa ang pag-maintain, bakit hindi na lang ‘yung ibang mga clean energy na pwede naman sila talagang magsulong tulad ng solar at wind energy na marami naman para sa atin. So, ‘yun dapat ang isulong nila sa halip na ‘yung napatunayan na hindi naman talaga tatagal at ang problema ay ang nuclear waste,” saad ni Bishop Pabillo.

Aprubado na sa ikatlong pagbasa ang panukalang House Bill 9293 o Philippine National Nuclear Energy Safety Act, na layong makapagbigay ng comprehensive legal framework para sa ligtas na paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Bago ito’y nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ang 123 Agreement o ang Philippines-United States Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy sa ginanap na APEC Summit sa San Francisco City, California.

Gayunman, katulad ng mga naunang pahayag ng CBCP ay nananatili pa rin ang paninindigan ng simbahan upang tutulan ang isinusulong na nuclear energy at iba pang marumi at mapanganib na enerhiya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,104 total reads

 45,104 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,469 total reads

 130,469 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,205 total reads

 177,205 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,077 total reads

 225,077 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,946 total reads

 326,946 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,424 total reads

 169,424 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top