Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,897 total reads

Ang Mabuting Balita, 04 Disyembre 2023 – Mateo 8: 5-11

LAHAT AY PANTAY-PANTAY

Noong panahong iyon, pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: “Ginoo, ang alipin ko po’y naparalisis. Siya’y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan.” “Paroroon ako at pagagalingin siya,” sabi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako’y nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at ako naman ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika!’ siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at ginagawa niya.” Namangha si Jesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.”

————
Ang Imperyo Romano, na sumaklaw sa mga Judio ay mayroong mga Kapitang Romano (Centurion) na namumuno sa 100 sundalo. Sila ay kinatatakutan at kinamumuhian ng mga Judio. Kung ang Kapitang Romano ay hindi mabuting tao, maaaring inabuso niya ang kanyang posisyon at inutusan si Jesus na pagalingin ang kanyang alipin. Ngunit, ang Kapitang ito ay higit na nagpakumbaba at marahil, lubos niyang iginagalang si Jesus. Ang kanyang pananalig at pagpapakumbaba ay nakaakit ng puso ni Jesus at ito’y nauwi sa pagpapagaling ng kanyang alipin.

Ilan sa atin na mga maypagawa, amo o superbisor ng mga manggagawa ang mag-aalala, mag-aabala at magpapakumbaba sa isang kilalang manghihilom upang tulungan ang higit na nangangailangang manggagawa? Sa Sangkakristiyanuhan, labas ang mga posisyon at mga titulo, LAHAT AY PANTAY-PANTAY. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong, sa iba’t ibang paraan. At, LAHAT TAYO ay may kakayahang tumulong, sa iba’t ibang paraan. Tayo ay nagmumula sa IISANG DIYOS na labis na mapagbigay at mapagmahal. Nakakahiya kung hindi tayo katulad ng ganitong uri ng Ama!

Pagnilayan natin ang napakagandang awit na isinulat nina Ervin Drake & Jimmy Shirl, ONE GOD (isinalin sa wikang Pilipino) –

Milyun-milyong bituing inilagay sa

kalangitan ng Iisang Diyos;

Milyon-milyon sa atin ang tumitingala sa Iisang Diyos;

Napakaraming anak ang tumatawag sa kanya

sa iba’t ibang pangalan;

Iisang Ama, na nagmamahal ng PANTAY-PANTAY

sa bawat isa.

Maraming paraan tayong nananalangin sa Iisang Diyos;

Maraming landas na bumabaybay tungo sa Iisang Diyos;

Lahat kapatid, walang estranghero

pagkatapos ng kanyang gawa;

Dahil ang Diyos mo at ang Diyos ko ay iisa.

Ang ating Diyos, oo ang iyong Diyos,

at ang aking Diyos ay iisa!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,397 total reads

 72,397 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,928 total reads

 150,928 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,376 total reads

 184,376 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,673 total reads

 219,673 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,266 total reads

 443,266 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MODERN-DAY PHARISEES

 6,417 total reads

 6,417 total reads Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7 MODERN-DAY PHARISEES At that time: So many people were crowding together that they

Read More »

TRULY UNDERSTAND

 4,150 total reads

 4,150 total reads Gospel Reading for October 15, 2026 – Luke 11: 47-54 TRULY UNDERSTAND The Lord said: “Woe to you who build the memorials of

Read More »

BLIND GUIDES

 12,774 total reads

 12,774 total reads Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46 BLIND GUIDES The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of

Read More »

WAKING UP

 7,536 total reads

 7,536 total reads Gospel Reading for October 13, 2026 – Luke 11: 37-41 WAKING UP After Jesus had spoken, a Pharisee invited him to dine at

Read More »
Scroll to Top