Prelatura ng Marawi, nagpapasalamat sa pakikiramay ng Santo Papa sa MSU bombing

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,529 total reads

Mariing kinundena ng Prelatura ng Marawi ang pagpasabog sa Mindanao State University Gymnasium nitong December 3.

Iginiit ng Prelatura na kalunos-lunos ang nangyaring karahasan lalo’t ang mga biktima ay dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa unang Linggo ng Adbiyento.

Gayunpaman, patuloy ipinagkatiwala ng prelatura sa Panginoon ang mga pangyayari sa lipunan at umaasang mangingibabaw ang kapayapaan at pagkakasundo ayon sa mensaheng hatid sa nalalapit na Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

“We remain steadfast and hopeful in our faith to the Risen Christ that may justice and peace flow here in our prelature. In Him, we surrender all of the things that has happened for He is the Author of life,” bahagi ng pahayag ng Prelatura.

Sa ulat ng Philippine National Police alas siyete ng umaga ng mangyari ang pagsabog sa pagsisimula ng misa kung saan apat katao ang nasawi habang mahigit sa 40 na ang nasugatan.

Umapela ng panalangin ang prelatura na pinamumunuan ni Bishop Edwin Dela Pena para sa katatagan at kahinahunan lalo na sa pamilya ng mga nasawing biktima.

“We are humbly asking for your prayers for the souls who died this morning, their families who were devasated of this cruel tragedy, the clergy and religious of the Prelature of Mary that may God through Our Lady, Help of Christians inspire our hearts to persevere in the trials and difficulties that this life has brought to us right now,” panalangin ng prelatura

Pinasalamatan naman ni Bishop Dela Pena ang Santo Papa Francisco na nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa komunidad ng Marawi gayundin sa buong Mindanao na patuloy makamtan ang kapayapaan.

“Thank you very much, Holy Father, Pope Francis for your love, concern and prayers for our little flock in the Prelature of Marawi,” pahayag ni Bishop Dela Pena.

Patuloy ang imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines at PNP sa insidente lalo’t nangyari ang pang-atake dalawang linggo nang mapaslang mng militar ang 11 indibidwal na hinihinalang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah sa Maguindanao Del Sur.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,141 total reads

 7,141 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,360 total reads

 42,360 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,844 total reads

 78,844 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,055 total reads

 97,055 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,000 total reads

 181,000 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top