Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,489 total views

Ang Mabuting Balita, 04 Disyembre 2023 – Mateo 8: 5-11

LAHAT AY PANTAY-PANTAY

Noong panahong iyon, pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: “Ginoo, ang alipin ko po’y naparalisis. Siya’y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan.” “Paroroon ako at pagagalingin siya,” sabi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako’y nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at ako naman ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika!’ siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at ginagawa niya.” Namangha si Jesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.”

————
Ang Imperyo Romano, na sumaklaw sa mga Judio ay mayroong mga Kapitang Romano (Centurion) na namumuno sa 100 sundalo. Sila ay kinatatakutan at kinamumuhian ng mga Judio. Kung ang Kapitang Romano ay hindi mabuting tao, maaaring inabuso niya ang kanyang posisyon at inutusan si Jesus na pagalingin ang kanyang alipin. Ngunit, ang Kapitang ito ay higit na nagpakumbaba at marahil, lubos niyang iginagalang si Jesus. Ang kanyang pananalig at pagpapakumbaba ay nakaakit ng puso ni Jesus at ito’y nauwi sa pagpapagaling ng kanyang alipin.

Ilan sa atin na mga maypagawa, amo o superbisor ng mga manggagawa ang mag-aalala, mag-aabala at magpapakumbaba sa isang kilalang manghihilom upang tulungan ang higit na nangangailangang manggagawa? Sa Sangkakristiyanuhan, labas ang mga posisyon at mga titulo, LAHAT AY PANTAY-PANTAY. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong, sa iba’t ibang paraan. At, LAHAT TAYO ay may kakayahang tumulong, sa iba’t ibang paraan. Tayo ay nagmumula sa IISANG DIYOS na labis na mapagbigay at mapagmahal. Nakakahiya kung hindi tayo katulad ng ganitong uri ng Ama!

Pagnilayan natin ang napakagandang awit na isinulat nina Ervin Drake & Jimmy Shirl, ONE GOD (isinalin sa wikang Pilipino) –

Milyun-milyong bituing inilagay sa

kalangitan ng Iisang Diyos;

Milyon-milyon sa atin ang tumitingala sa Iisang Diyos;

Napakaraming anak ang tumatawag sa kanya

sa iba’t ibang pangalan;

Iisang Ama, na nagmamahal ng PANTAY-PANTAY

sa bawat isa.

Maraming paraan tayong nananalangin sa Iisang Diyos;

Maraming landas na bumabaybay tungo sa Iisang Diyos;

Lahat kapatid, walang estranghero

pagkatapos ng kanyang gawa;

Dahil ang Diyos mo at ang Diyos ko ay iisa.

Ang ating Diyos, oo ang iyong Diyos,

at ang aking Diyos ay iisa!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 20,875 total views

 20,875 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 194,809 total views

 194,809 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,442 total views

 172,442 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 235,842 total views

 235,842 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,123 total views

 254,123 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT CONTRIBUTION

 1,557 total views

 1,557 total views Gospel Reading for May 25, 2026 – John 19: 25-34 GREAT CONTRIBUTION Memorial of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church Standing

Read More »

SUSTAINS LIFE

 2,213 total views

 2,213 total views Gospel Reading for May 24, 2026 – John : 19-23 SUSTAINS LIFE Pentecost Sunday On the evening of that first day of the

Read More »

LIVE OUT

 2,703 total views

 2,703 total views Gospel Reading for May 23, 2026 – John 21: 20-25 LIVE OUT Peter turned and saw the disciple following whom Jesus loved, the

Read More »

LOVING RELATIONSHIP

 2,024 total views

 2,024 total views Gospel Reading for May 22, 2026 – John 21: 15-19 LOVING RELATIONSHIP After Jesus had revealed himself to his disciples and eaten breakfast

Read More »
Scroll to Top