16,864 total views

Homiliya para sa Unang Linggo ng Adbiyento, 03 Disyembre 2023, Mk 13:33-37

Ang Adbiyento ay hindi pa Pasko. Ito ay panahon ng penitensya at pag-aayuno. Kung ang Kuwaresma ay paghahanda para sa Pagsasaya ng Pagkabuhay, ang Adbiyento ay Paghahanda naman para sa Pagsasaya ng Kapaskuhan.

Ang ating unang pagbasa ngayon galing kay propeta Isaias ay isang makabagbag-damdaming Panaghoy (lament sa Ingles). Puwede mong ilagay sa bibig ng mga Israeli sa kasalukuyang panahon at magiging aktwal ang dating nito. At pero pwede mo ring ilagay sa bibig ng mga Palestinians at mas lalong matindi ang dating nito. Sinong mamamayan ng Israel ang hindi tumangis at nanaghoy sa sinapit ng mahigit isanlibong mga kaanak at kababayan nila na walang awang pinaslang ng mga sundalong Hamas at hinostage pa ang mahigit sa 200? At sinong Palestinong mamamayan na taga-Gaza ang hindi tumatangis at nananaghoy sa patuloy na sinasapit ng daan-daan-libong mga kababayan nila na matagal nang nagdurusa at ngayo’y humaharap na naman sa giyerang paghihiganti ng gubyernong Likud ng Israel laban sa gubyernong Hamas ng Palestine, na kapwa ibinoto ng kani-kanilang mga mamamayan para mamuno sa kanila?

Sabi ng panaghoy ng propeta, “Bakit mo hinahayaan Panginoon, na kami’y mapariwara nang ganito at malihis sa landas mo? Bakit mo hinayahaan na manigas ang aming mga puso at tuluyang mawalan ng takot sa iyo? Pagmasdan mo po kami Panginoon, parang awa na po ninyo, kahit masama ang loob mo sa amin, kahit bunga ng aming sariling pagkakasala ang nangyayari sa amin. Kami’y mga bayang nadungisan, anumang kabutihang mayroon kami ay naputikan. Kami’y mistulang mga dahon na nalanta, tinatangay ng hagibis ng aming mga pagkakasala. Wala nang tumatawag sa Ngalan mo, wala nang gumigising para kumapit sa iyo. Hindi na namin makita ang Mukha mo, bakit hinayaan mo kaming mapalayo sa iyo?”

Salamat na lang at hindi dito natatapos ang panaghoy na ito. Sa bandang dulo may kaunting pag-asang sumisikat na parang liwanag ng bukang-liwayway. Sabi ng propeta, “Ngunit ikaw, Panginoon ay ang Aming Ama; kami ay putik na luwad sa kamay mo. Ikaw ang magpapalayok na sa amin ay humuhubog.”

Mula pa noong unang panahon, hindi na natigil ang paulit-ulit na pag-ikot ng gulong ng sibilisasyon ng tao: ang mga inapi ay gumaganti sa mga sa kanila’y nang-api, mata sa mata, ngipin sa ngipin, dugo sa dugo, buhay sa buhay. Ang binusabos ay natututong mambusabos, ang pinagmalupitan ay natututong magmalupit, paulit-ulit na gantihan. Pabalik-balik na tikisan at ubusan ng lahi. Ang sinapit sa nakaraan gustong ipalasap sa mga anak ng kalaban. Walang katapusan, walang kinabukasan.

Ganito ba talaga tayo? Hindi. Mayroon nang dumating noon pa, para hamunin ang ganitong kabaliwan ng taong nawalan na nagwawala. Ang dalawang libong taon ay parang kahapon lang, nang nagdalang-liwanag ang isang “Palestinong Hudyo” na lumaki sa Nazareth.

Sabi nga ni Isaias tungkol sa kanya (42:2-4): “Hindi siya sisigaw o hihiyaw sa mga lansangan. Hindi niya babaliin ang tambong basag, hindi niya papatayin ang kandilang aandap-andap…Hindi niya pababayaan ang mga nanghihina o nawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”

Siya ang nangarap upang ang tayo’y mahimasmasan sa ating kahibangan, upang ang mga binabangungot ay magising at matutong tumingin sa bawat kapwa bilang kapwa-biktima, kahati sa paghihirap, karamay sa pagdurusa. Hindi niya sinuklian ng sampal ang sampal, ng insulto ang insulto. Hindi gawaing makatao kahit kailan ang suklian ng karahasan ang karahasan, ang balikan ng kalupitan ang kalupitan. Ang nawawalan na nagwawala ay niyakap niya upang mapahinto ang paikot-ikot na gulong ng galit at hinanakit. Ito ang niloob niyang mapako sa krus at kailangan nating pagmasdan para manumbalik sa atin ang dangal, ang hugis at wangis ng Mahal-Banal, upang ang pagkatao natin ay muling magningning kuminang.

Ito ang pag-asa na sinisimbolo ng mga kandilang sinisindihan natin sa panahon ng Adbiyento. Na pwede nating piliin na magsindi ng kaunting liwanag sa gitna ng kadiliman. Ang apoy na ating tinanggap ay kailangang bantayan at ingatan. Ito ang narinig nating panalangin kanina sa ALELUYA: “Hayaan mo po Panginoon na ang pag-ibig mo ay masulyap namin, upang ang kaligtasan nami’y dumating at ang paghahari mo, sa wakas, ay sumaaming piling.

AMEN

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,966 total views

 50,966 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 56,384 total views

 56,384 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,091 total views

 63,091 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 77,884 total views

 77,884 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,040 total views

 84,040 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 1,006 total views

 1,006 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,390 total views

 1,390 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,343 total views

 12,343 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 11,175 total views

 11,175 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 11,161 total views

 11,161 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 11,160 total views

 11,160 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 11,163 total views

 11,163 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 11,165 total views

 11,165 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 11,168 total views

 11,168 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,476 total views

 14,476 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,468 total views

 14,468 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,469 total views

 14,469 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,433 total views

 14,433 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 23,009 total views

 23,009 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 18,142 total views

 18,142 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top