VIP convenor, ipinagdarasal na manahan sa puso ng bawat isa ang pagbibigayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,874 total views

Hinihiling ng Protect Verde Island Passage na ang pag-asang hatid ng Pasko ng pagsilang ng Panginoon ay maging daan tungo sa patuloy na pagmamalasakit para sa inang kalikasan.

Ayon kay Protect VIP lead convenor Fr. Edwin Gariguez, ang diwa ng Pasko na pagbibigayan at pagmamahalan ay hindi lamang dapat manatili sa mga tao kun’di maging sa iba pang nilalang ng Diyos.
Tinukoy ng pari ang kalagayan ng Verde Island Passage na nahaharap sa panganib dulot ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng fossil fuel industry.

“Tayo po sa ating Verde Island Passage ay nanganganib at tayo ay nahaharap sa maraming mga panganib. Kaya ang pagdating ni Hesus ay isang paalaala sa atin na ang Diyos ay nakikilakbay at naparito siya upang hindi tayo mapahamak kun’di upang maghatid ng buhay at ng kaligtasan,” mensahe ni Fr. Gariguez.

Tinaguriang ang VIP bilang “center of the center of marine shore fish biodiversity” dahil dito matatagpuan ang nasa halos 60-porsyento ng iba’t ibang marine species sa buong mundo.
Magugunita noong Pebrero 28, 2023 nang maganap ang oil spill matapos na tumaob sa karagatan ng Oriental Mindoro ang MT Princess Empress lulan ang 800-libong litrong langis.

Dalangin naman si Fr. Gariguez na sa pagdiriwang ng pagsilang sa manunubos ay makamtan ang katarungan habang patuloy na ipinagtatanggol ang nag-iisang tahanan laban sa tuluyang pagkasira.
Hinihiling din ng pari na hipuin ng Panginoon ang puso’t isipan ng malalaking kumpanya upang ihinto na ang mga mapaminsalang proyekto at sa halip ay maging kasangkapan sa pangangalaga sa kalikasan.

“Kaya sana ang diwa ng pasko ay patuloy na maging buhay para sa atin, lalo’t higit sa ating patuloy na pagtataya ng ating sarili para sa ating nanganganib na kalikasan. Sabi nga ni Papa Francisco ang ating pagtataya ng sarili para sagipin ang kalikasan ay isang makakristiyanong pananagutan,”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 2,087 total views

 2,087 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 43,979 total views

 43,979 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 98,022 total views

 98,022 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 126,004 total views

 126,004 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 143,750 total views

 143,750 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top