Pagtangkilik sa Local Businesses

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 151,098 total reads

Kapanalig, isa sa mga makabuluhang hakbang na maaari nating gawin ngayong kapaskuhan ay ang pagtangkilik sa mga local businesses.

Ngayong kapaskuhan, pihadong abala ang marami sa inyo sa pamimili ng regalo. Kaya nga’t sa halip na lamig ng simoy ng hangin ang ating nadarama ngayon, init at polusyon na mula sa traffic ang bumabalot sa atin ngayon. Lahat kasi tayo sa mga mall papunta.

Pero kapanalig, subukan natin na sa halip na mamahaling imported o mass produced na regalo ang ipamamahagi natin sa ating mga mahal sa buhay, pwede kayang sa mga maliliit na negosyo tayo tumangkilik ngayon, mga negosyo na maliit lang ang puhunan, mga negosyong may produktong gawa mula sa galing ng kamay at pag-iisip ng ating mga kababayan?

Ang mga maliit na negosyo, kapanalig, ay hirap ngayon dahil sa kumpetisyon at sa taas ng halaga ng raw materials. Pero kahit hikahos, alam mo ba na ang mga maliit na negosyo ay ang lifeblood ng ating ekonomiya? Binubuo ng mga small businesses ang 99% ng ating enterprises at nagbibigay sila ng trabaho sa humigit kumulang na 65% ng ating workforce.

Pero kapanalig, hindi lamang pera o kita ang bentahe ng pagtangkilik ng mga local businesses. Isang mahalagang benepisyo ng pagsuporta sa lokal na negosyo ay ang pagbibigay diin sa pagpapalaganap ng mga produkto at serbisyong gawang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa lokal na produkto, hindi lamang natin natutulungan ang mga lokal na negosyante kundi binibigyan din natin ng halaga ang kanilang husay at kasanayan.

Isa pang magandang epekto ng pagbibigay prayoridad sa lokal na negosyo ay ang pagpapalakas ng ating kultura at tradisyon. Sa pagtangkilik sa mga lokal na produkto, mas nagiging kilala at pinahahalagahan natin ang kahalagahan ng ating sariling kultura at identity. Maipapamana natin kapanalig, ang mga tradisyonal na gawang Pinoy sa susunod na henerasyon.

Ang ating suporta ay hindi lamang dapat limitado sa pagbili ng mga produkto. Tangkilikin din natin an mga lokal na serbisyo, tulad ng mga restaurant, kapihan, at iba pang establisimyento. Sa pagkakaroon ng mas mataas na bilang ng customer, nagbibigay tayo ng lakas at lakas-loob sa kanila na magpatuloy, mag-invest at mag-expand pa.

Ang pagtangkilik sa lokal na negosyo ay madali lang gawin kapanalig, pero ang lalim ng implikasyon nito sa ating ekonomiya pati na sa ating pagkakilanlan bilang Pilipino. Ito ay tungkulin natin at responsibilidad bilang Pilipino. Sa bawat pagbili ng lokal na produkto, tayo’y nakakatulong sa pagsulong ng kabuhayan ng kababayan natin, nagbibigay ng lakas sa ating ekonomiya, at nagtataguyod ng mas matatag at masiglang bansa para sa hinaharap.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 158,261 total reads

 158,261 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 189,108 total reads

 189,108 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 223,232 total reads

 223,232 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 279,638 total reads

 279,638 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 158,262 total reads

 158,262 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 189,109 total reads

 189,109 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 223,233 total reads

 223,233 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 279,639 total reads

 279,639 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top