Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,080 total views

Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66

Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na kung dayuhan ka sa isang bansa at di mo pa gaanong alam ang salita nila.

May isang pamangkin ako na nagbiyahe sa Spain. Dahil marami tayong mga salitang Tagalog na hiram sa Espanyol akala niya laging pareho ang ibig sabihin ng mga ito sa Kastila, katulad ng “cuchara”, “tenedor”, “cochillo” at iba pang gamit sa mesa. Laking gulat niya na ang “derecho” hindi pala pasulong kundi pakanan sa Espanyol. Ang “siempre” hindi pala “of course” ang ibig sabihin kundi “always”. At minsan, dahil may monthly period siya, nagpunta siya sa drug store at sinabi sa tindero na kailangan niya ng “pasador.” Tanong ng tindero, anong klase daw na pasador? Sabi niya kahit anong brand. Binigyan siya ng pang-ipit ng buhok. “Hair pin” pala ang “pasador” sa Kastila. Paano kaya siya naging sanitary napkin sa Pilipinas?

Sa ibang mga linggwahe, iba ang paraan ng pagtatanong ng pangalan. Imbes na “Ano ang pangalan mo?” ang tanong ay “Paano ka tinatawag?” Pag di natin mahagilap ang salita para sa ibig nating sabihin, minsan hihingi tayo ng tulong. Imu-muwestra mo sa kamay at sasabihin, “Ano nga ba ang tawag sa ganoon?” (Btw, Espanyol din iyan—galing sa mostrar, muestra—ipakita). Ewan ko kung paano minuwestra ng pamangkin ko ang binibili niyang pasador at tuloy hair pin ang binigay sa kanya.

May mga sitwasyon sa buhay ng tao na mahirap talagang pangalanan, hindi lang ang mga bagay-bagay kundi pati mga karanasan at pangyayari sa buhay. Kapag na-shock ang tao o na-trauma sa isang pangyayari, o kapag dumanas siya ng matinding trahedya o pagkasindak, parang nauumid ang dila niya, walang masabi, para si Zacarias. (Marami akong nakitang nagkaganoon sa mga kapamilya ng mga EJK victims.). Sa mga ganyang sitwasyon minsan malaki ang naitutulong ng counselor. Bahagi ng paghilom ang mapangalanan at matanggap ng tao ang kanyang pinagdadaanan. Ang counsellor ay para ding gumaganap sa papel ni Angel Gabriel.

O katulad ng ginawa ni Hesus sa dalawang alagad sa Emmaus nang nagpakita siya at di nakilala, nakilakad, nakinig at nagpaliwanag upang tulungan silang maunawaan ang mga pinagdaanan nilang trahedya sa Jerusalem. Ang inaakala nilang kabiguan sa krus ay isa palang tagumpay, isa palang katuparan ng plano ng Diyos ayon sa Kasulatan. Hindi sila bumalik hangga’t hindi nila napangalanan nang tama ang mga nangyari sa Jerusalem. (Luke 24)

Kahit mahalaga ang pananahimik sa buhay natin, meron din palang pananahimik na hindi mabuti. Baka di natin alam dumaranas na pala ng matinding depression ang tao at delikado ang pwede niyang gawin sa sarili, lalo na kung walang kasama o kaantabay. Mas mabuti kapag natulungan silang magkuwento, masabi ang kanilang nararamdaman.

Sa tingin ko, kung ang balita ni Gabriel ang dahilan ng pananahimik ni Zacarias, si Maria naman ang naging daan para makapagsalita siyang muli. Doon sa aking sinulat na librong Yeshua, nag-“reading between the lines” ako. Noong nakikialam ang mga kapitbahay tungkol sa pangalang minumungkahi nilang ibigay sa bagong-silang na anak ni Elisabet, dahil naroroon sa background si Maria at posibleng siya ang tahimik na pumapapel bilang yaya o baby-sitter, palagay ko si Maria din ang gumawa ng paraan para maudyok si Zacarias na makapagsalitang muli. Palagay ko siya ang nagdala sa bata kay Zacarias at nagsabi, “Kuya, sina-suggest ng mga kapitbahay na tawaging Zacarias Junior itong anak mo. Pero si Ate Elisabet, Juan daw pangalan ng bata.” Alin sa dalawa? At noon muling nabuksan ang bibig niya.

Noon din ginampanan ni Zacarias ang papel ng “pagbibigay pangalan”, bilang tanda na kinikilala niya ang bata bilang kanya. Kaya malaking bagay para sa mga Hudyo ang ritwal ng pagbibigay-pangalan. Kaya pala, tulad ng nabanggit ko kanina, sa ibang mga bansa, imbes na “What is your name?” ang sabihin para alamin ang pangalan, ang tanong nila—halimbawa sa Aleman ay “Wie heissen Sie?” O “How are you called?” (Paano ka tinatawag? ) Ang pagbibigay-pangalan ay sabay na pagpapahayag na rin ng pagtawag o bokasyon at misyon. Kaya sinabi ng mga kapitbahay, “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Magiging tanda ng kagandahang-loob ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng Juan. Hindi lang ito pangalan kundi orakulo. Sayang dahil Linggo bukas, hindi na natin maririnig ang Awit ni Zacarias (Ang Benedictus) nang mabuksang muli ang bibig niya. Sasabihin niya, “Ikaw anak ay magiging propeta ng kataas-taasang Diyos, sapagkat mauuna ka sa kanya upang ipaghanda siya ng daan, upang ipaalam sa kanyang bayan ang pagliligtas na kanyang gagawin sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan.” Hindi lang siya nagbigay ng pangalan; ipinahayag din ang magiging kinabukasan ng bata.

Ito ang dahilan kung bakit tayo naglunsad ng DSPP sa ating diocese. Upang katulad ni Zacarias, mapangalanan din natin, hindi lang mga prayoridad na dapat nating tutukan sa ating pagpaplano. Hindi naman ang gusto natin kundi ang gusto ng Diyos ang layunin natin para sa pagbubuo ng simbahang sinodal na nagkakabuklod, nakikilahok at nagmimisyon. Kailangan din nating pangalanan ang nandiyan na, ang nangyayari na, ang isinisilang na sa ating piling, ang Kristong tumawag sa atin upang makiisa sa kanyang misyon, upang ang dito sa lupa ay maging simula na ng langit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 4,921 total views

 4,921 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 109,174 total views

 109,174 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 154,749 total views

 154,749 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 156,526 total views

 156,526 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 11,064 total views

 11,064 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 75,093 total views

 75,093 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 25,366 total views

 25,366 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 29,229 total views

 29,229 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top