7,669 total views

5th Sunday of Ordinary time

Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

Job 7:1-4.6-7 1 Cor 9:16-19.22-23 Mk 1:29-39

Hindi madali ang buhay. Alam ito ng Diyos kaya ito’y nakasulat sa Bibliya. Narinig natin ang daing ni Job: “Ang buhay ng tao’y sagana sa hirap. Batbat ng tiisin at lungkot ang dinaranas.” Sa araw nahihirapan tayo sa ating mga gawain. Naghahangad na lang tayo na matapos na ang araw upang tayo ay makapahinga na. Pagdating naman ng gabi, hindi tayo nakakatulog, namomoblema din sa ating buhay na puno ng abalahin. Parang ang haba ng gabi na paikot-ikot na lang tayo sa higaan. Alam ng Diyos ang kahirapan natin sa buhay. Hindi lang niya alam. Naranasan din ito ng Diyos sapagkat kay Jesus naging tao siya. Hindi naman ito ang plano ng Diyos, na mahirapan tayo sa buhay. Gusto niya na maging kaaya-aya ang buhay natin, kaya nilagay niya tayo sa paraiso. Dahil sa ating kasalanan kaya tayo nagkaganito. Wala na tayo sa paraiso ngayon. Mas pinili natin ang boses ng ahas kaysa ang salita ng Diyos. Mas naniwala tayo sa kasamaan kaysa sa Diyos. Iyan ang lahat ng kasalanan. Mas naniwala tayo sa tawag ng laman, sa paanyaya ng barkada, sa mga pangako ng advertisements kaysa sinasabi ng ating budhi at ng magagandang aral na binibigay ng ating mga magulang, ng mga katekista, ng mga pari at mga lay ministers natin. Dahil dito hirap tayo sa buhay.

Kaya pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang tayo ay tulungan at iligtas, hindi parusahan o ipahamak man. Pinakita ang pagliligtas na ito ni Jesus sa ating ebanghelyo. Tumutulong siya kung saan may pangangailangan. Noong ipinaalam sa kanya na may mataas na lagnat ang biyenan ni Pedro, pinuntahan niya ito, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noong dinala ng mga tao sa kanya ang mga may sakit paglubog ng araw, ang ibig sabihin, pagkatapos ng Araw na Pamamahinga kaya maaari na silang mabuhat, pinagaling niya sila kahit na malalim na ang gabi. Pinalayas niya ang mga inaalihan ng mga demonyo. Gumagawa siya ng kabutihan sa mga tao.

Siguro napagod din si Jesus sa buong araw ng kanyang pangangaral at pagpapagaling pero kinaumagahan maaga pa siyang nagising at pumunta sa tahimik na lugar para magdasal. Hindi lang nagdarasal si Jesus kasi libre siya. Hinahanapan at binibigyan niya ito ng panahon. Dahil sa siya ay nagdarasal, alam niya ang kanyang misyon. Alam niya kung ano ang ipinagagawa sa kanya ng Diyos Ama. Hindi lang tayo nagdarasal upang mabigyan ng hinihingi natin. Higit sa lahat, nagdarasal tayo upang malaman ang kagustuhan ng Diyos na dapat nating gawin. Kaya noong hinanap siya ni Pedro noong maliwanag na at hinihikayat na bumalik na sa Capernaum kasi hinahanap siya ng mga tao doon, hindi siya nagpadala sa kagustuhan ng mga tao. Kung sa bagay, mas madali na bumalik sa Capernaum. Kilala na siya ng mga tao at sila’y hangang-hanga sa kanila. Pero hindi! Hindi iyan ang plano ng Ama. Sinabi niya: “Kailangan na pumunta rin tayo sa kalapit-bayan upang doon ay mangaral at tumulong sa mga tao.”

Kaya iyan ang naging buhay niya, pumupunta sa ibang mga lugar upang makatagpo ang mga tao na kailangan ding makarinig ng Magandang Balita. Ang buhay na ito ni Jesus at ang pagmamalasakit na maabot ang mga tao ay siya rin ang naging buhay ni Pablo. Siya rin ay pumupunta sa iba’t-ibang mga lunsod ng empero ng Roma, lalo na ang mga hindi pa naaabot ng iba, upang doon ipahayag ang kaligtasan. Nakikita niya na ito’y isang tungkulin na ibinigay sa kanya. Ito ay misyon na ipinagkatiwala sa kanya. Kaya nasabi niya: “Sa aba ko, kawawa ako, kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita.” Kaya nangangaral siyang walang bayad. Mabuting katiwala siya ng Magandang Balita. Ngunit hindi lang siya nangangaral. Binabagay niya ang kanyang pamumuhay ayon sa mga kausap niya upang maintindihan siya at madali nilang matanggap ang kanyang mensahe. Naging mahirap siya kung ang kausap niya ay mahihirap. Naging mahina siya sa mga mahihina, at gumagamit naman siya ng karunungan sa mga marurunong. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya alang-alang sa Magandang Balita.

Dahil sa ginawa ni Jesus na palaging nangangaral at nagsasabuhay ng mga aral ng Diyos, sinundan naman siya ni Pablo at ng mga apostol. Ginawa din ito ng mga misyonero sa kasaysayan ng simbahan kaya nakarating sa atin ang pananampalataya. Ang pananalig sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas ngayon upang harapin at malampasan ang mga kahirapan sa buhay.

Ano ba ang naibibigay ng pananampalataya sa Diyos? Hindi naman ito nagbibigay ng pera o mga material na bagay. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay sa atin ng katatagan sa harap ng mga kahirapan sa buhay. Ang katatagan na ito ay galing sa ating pananalig na hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Diyos. Ang katatagan na ito ay galing sa ating pananalig na mahal tayo ng Diyos at ginagabayan niya tayo tungo sa kanya. Ang katatagan na ito ay galing sa kasiguraduhan na may patutunguhan at kabuluhan ang buhay natin. Ang direksyon na ito ay tungo sa buhay na walang hanggan.

Nalalaman natin ito dahil sa mga tao na nagpahayag sa atin ng Magandang Balitang ito. Pumunta sila sa misyon. Lumapit sila sa atin. Tanggapin natin ang balitang dala nila at ipagpatuloy natin ibalita din ito sa iba. Tayong nakinabang sa Magandang Balita ay ibahagi din natin ito sa iba. Iyan ang pagiging mabuting katiwala ng Magandang Balita. Ibahagi natin ang mayroon tayo. Ito ang tunay na pagpapahalaga sa Magandang Balita. Tanggapin natin ito, isabuhay natin ito at ibahagi din natin ito sa iba.

Ngayong Linggo hinihikayat tayo ng simbahan na mamulat sa isang napakasama na nangyayari ngayon, ang tinatawag na white slavery o ang pangangalakal sa mga tao. Hanggang ngayon pinagbibili ang mga tao, ang karamihan sa kanila ay mga bata at mga babae. Kinukuha sila, nililinlang, dinudukot at halos kinukulong para magtrabaho sa mababang sweldo o para gamitin sa sex. Pinagkakakitaan ang kapwa tao. Mag-ingat po tayo sa ganitong gawain pati dito sa Palawan. Huwag ipagbili ang katawan. Huwag magpaalipin sa iba. Napakalaki na business ang human trafficking na ito ay sumusunod lang sa arms trade at sa drug business sa laki ng halaga na nakukuha dito. Ipagdasal natin na hindi tayo mabiktima dito at maging mapagmasid tayo sa gumagawa nito. Madalas daw ang umaalok sa ganitong gawain ay mga kakilala o kamag-anak din natin, umaalok na magtrabaho sa ibang lugar o sa abroad sa mga tao na inocente at madaling maloko.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 40,241 total views

 40,241 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 45,659 total views

 45,659 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 52,366 total views

 52,366 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 67,160 total views

 67,160 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 73,316 total views

 73,316 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,195 total views

 3,195 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 8,514 total views

 8,514 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 10,672 total views

 10,672 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 12,830 total views

 12,830 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,180 total views

 13,180 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,650 total views

 26,650 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 27,079 total views

 27,079 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,123 total views

 31,123 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 33,879 total views

 33,879 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 33,879 total views

 33,879 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 33,861 total views

 33,861 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,362 total views

 37,362 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 33,860 total views

 33,860 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 33,855 total views

 33,855 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 33,855 total views

 33,855 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top