Pangigipit ng China sa mga mangingisdang Filipino, pinalagan ng mga obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,520 total reads

Nagkaisa ang mga diyosesis ng Pilipinas upang manindigan para sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa Joint Pastoral Exhortation nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Auxillary Bishop Fidelis Layog, Iba Bishop Bartolome Santos, San Fernando La-Union Bishop Daniel Presto, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Puerto Princesa Socrates Mesiona, kinakailangan ang pagtatanggol ng bansa para sa kabuhayan ng mga mangingisdang patuloy na nakakaranas ng paniniil ng China at pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa pahayag ng mga obispo, lubha ng naapektuhan ng patuloy na paniniil ng China ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino na dapat sana ay malayang nakakapangisda sa ating mga teritoryo.

“Mga kapatid na maliliit na mangingisda, paninindigan po natin ang ating karagatan at palaisdaan, hindi tayo busabos ng mga banyagang magnanakaw ng ating huling yamang dagat.” ayon sa Joint Pastoral Exhortation ng mga Lider ng simbahan.

Sinabi pa ng mga obispo na kinakailangang isagawa ng pamahalaan ang lahat ng legal na paraan para sa mga teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas upang magamit hindi lamang ng kasalukuyan kundi ng susunod na henerasyon.

“We seek peace, and it cannot be a moral option to wage war.” ayon pa sa pahayag.

Dagdag pa ng mga obispo: “All legal means must be exhausted so what nature has so bountifully bestowed on us may be ours and may feed generations of Filipinos yet to be born and if present diplomatic endeavors do not suffice, then it is permissible-morally necessary even -to have recourse to the friendship of allies who can help us defend what is ours.”

Panawagan pa ng mga obispo sa bawat mananampalataya, na ipagtanggol ang karapatan at kinabukasan ng mga Filipinong mangigngisda at kanilang pamilya na salat din sa tulong mula sa pamahalaan.

Tagubilin naman ng mga pinunong pastol sa mangingisda ang pangangalaga sa karagatan at maging mabuting katiwala ng yamang ipinagkaloob ng Panginoon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 402 total reads

 402 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,707 total reads

 50,707 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,073 total reads

 136,073 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,809 total reads

 182,809 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,680 total reads

 230,680 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,203 total reads

 332,203 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 403 total reads

 403 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top