Obispo sa mga delegado ng Diocesan Clergy of Mindanao Convention: Pangalagaan ang bokasyon, kawan ng mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,035 total reads

Hinimok ni Marbel Bishop Cerilo Casicas ang mga kapwa pastol ng simbahan na pagtuunan ang mga pamayanang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 46th Diocesan Clergy of Mindanao Convention sa misang ginanap sa Christ the King Cathedral sa Koronadal, South Cotabato.

Ayon kay Bishop Casicas, ang kawang pinangangalagaan ang nagpapaalala sa bawat pari ng prensya ng Panginoon kaya’t nararapat pahalagahan ang bokasyon.

“Gihagit kita na tan-awon kining mga tawo. They are the object of our ministry’s evangelization, they become signs of God’s presence to us,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Casicas.

Nagsimula ang pagtitipon ng Mindanaoan clergy nitong February 5 at magtatapos sa February 7 sa temang ‘DCM: Walking together with hope in the path to integral ecology.’

Mahigit 500 mga pari at obispo mula sa 21 episcopal sees ang nagtipon kabilang ang DADITAMA (Davao, Digos, Tagum at Mati; CABUSTAM (Cagayan, Butuan, Surigao, Malaybalay); ZAMBASULI (Zamboanga, Basilan, Sulu, at Ipil); KIDMACO (Kidapawan, Cotabato at Marbel), at ang DOPIM (Dipolog, Ozamis, Pagadian, Iligan at Marawi).

Unang kinilala ng mga lider ng simbahan sa Mindanao ang mga naunang pastol sa rehiyon na nagpasimula sa Mindanao-Sulu Pastoral Conference noong 1971 kung saan nakaugalian ang pagtitipon tuwing ikatlong taon.

Kabilang sa mga tampok at magandang bunga ng mga simbahan sa Mindanao ang basic ecclesial community o BEC na unang pinasimulan ng mga dayuhang misyonero noong 1960’s kasunod ng Vatican II na mas pinaigting matapos ang matagumpay na Mindanao-Sulu Pastoral Conference.

Tampok sa tatlong araw na pagtitipon na magtatapos sa February 7 ang mga panayam nina DCM Vice President Fr. Rey Raluto na tatalakay sa tema ng pagtitipon habang pangungunahan naman ni Archdiocese of Cotabato Vicar General Fr. Ben Torreto ang paglalahad sa kasaysayan ng Diocesan Clergy of Mindanao.

Magkakaroon din ng iba’t ibang sports event ang mga pari at pagpupulong ng Mindanaoan Bishops para sa mahahalagang usaping panlipunan at pansimbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,881 total reads

 48,881 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,247 total reads

 134,247 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,982 total reads

 180,982 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,854 total reads

 228,854 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,469 total reads

 330,469 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top