2nd collection sa 6 na linggo ng kuwaresma, ilalaan ng RCAM sa Alay Kapwa programs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,966 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na suportahan ang Alay Kapwa 2024.

Sa mensahe ng cardinal, binigyang diin na kasabay ng kuwaresma at paghahanda sa Paschal Triduum ay nararapat paigtingin din ng bawat isa ang habag at awa sa kapwa lalo’t higit sa nangangailangang sektor ng lipunan.

Kinilala ng arsobispo ang malaking tungkulin ng Alay Kapwa na deka-dekadang naglingkod sa pamayanan sa pamamagitan ng mga pangunahing program tulad ng feeding program sa mga kabataang may malnutrisyon.

“The Church, through Alay Kapwa 2024, seeks to help us live out compassion by sharing our blessings with the needy. Alay Kapwa has long served as a channel for generosity to support our social services to the poor and marginalized, victims of calamities and disasters,” bahagi ng liham pastoral ni Cardinal Advincula.

Kaugnay nito ilalalaan ng arkidiyosesis sa Alay Kapwa programs ang malilikom na pondo sa lahat ng second collection sa misa sa loob ng anim na linggo ng kuwaresma o February 18 hanggang March 24, 2024.

“As we continue to provide social services to the poor, it is our fervent prayer that we support Alay Kapwa 2024,” ani Cardinal Advincula.

Tinukoy ng cardinal ang Damayan Program na ipinatutupad ng Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis kung saan tinututukan ang pagtulong sa mahihirap na komunidad, kabataan at mga biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad sa buong bansa.

Samantala una nang hinimok ni Radio Veritas President at Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ang mamamayan na suportahan ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ o ang pagtitipid ng 40 piso kada araw sa loob ng 40 araw ng kuwaresma o kabuuang 1, 600 piso na gagamitin sa mga programa ng alay kapwa partikular ang feeding program ng simbahan na tumutugon sa usapin ng malnutrisyon sa kabataan gayundin sa mga nasalanta ng kalamidad.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 14,539 total reads

 14,539 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 35,139 total reads

 35,139 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 103,592 total reads

 103,591 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 188,959 total reads

 188,959 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 235,696 total reads

 235,695 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 283,567 total reads

 283,567 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 382,301 total reads

 382,301 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top