Cardinal Tagle, ginawaran ng Order of Legion of Honour ng Pransya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,744 total views

Ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng French Government si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Iginawad kay Cardinal Tagle ang Order of Legion of Honour sa pamamagitan ni French Ambassador to the Vatican Florence Mangin sa ngalan ni French President Emmanual Macron.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino at Radio Veritas Vatican Correspondent, ang pagkilala ay inialay din ni Cardinal Tagle sa lahat ng mga Filipino.

“Isang medal ito na ibinigay kay Cardinal Tagle in recognition for his role, lalo na dito sa Vatican kasi siya nga ang in-charge ng Office ng Mission ng ating simbahan ng ating Roman Curia, ibig sabihin mga concerns about mission sa kaniya inihahabilin ni Pope Francis. Siya ang in-charge ng malaking part ng Africa, Asia, Carribean at Pacific islands.” ayon kay Fr. Gaston sa programang Veritas Pilipinas.

Ang Legion of Honour, ay ang pinakamataas na pagkilala ng France na iginagawad sa mga natatanging indibidwal bilang pagkilala sa kanilang mga gawain para sa kabutihan ng buong mundo at ng Pransya.

Kinilala ng Pransya ang mga gawain ni Cardinal Tagle sa simbahan nang manilbihang arsobispo ng Maynila na paglingap sa mga mahihirap at naisasantabing sektor ng lipunan gayundin sa mga biktima ng karahasan at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Pinasalamatan din ng French government ang cardinal sa suportang ibinigay sa French Association na Anak-TNK o Tulay ng Kabataan sa Manila sa ilalim ng pangangasiwa ni Fr. Matthieu Dauchez.

“Mr. Cardinal, it is an honour for me to present you with this decoration, by which France wishes to honour your remarkable career as a man of the Church at the service of the common good.” bahagi ng pahayag ni Mangin.

Sinabi pa ni Fr. Gaston na ipinapaabot ni Cardinal Tagle ang pasasalamat sa Pransya gayundin sa lahat ng mga mananampalatayang Filipino sa nakamit na pagkilala bilang bahagi ng misyon ng simbahan.

Kabilang sa dumalo sa pagdiriwang ang kapatid ni Cardinal Tagle na si Manuel Tagle, Philippine Ambassador to the Vatican Maila Macahilig, Philippine Ambassador to Italy Nathaniel Imperial at mga kinatawan ng Filipino Religious Congregations kabilang ang La Salle, Dominican at Adorno Fathers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,894 total views

 62,894 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,763 total views

 58,763 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,965 total views

 94,965 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,126 total views

 103,126 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,200 total views

 127,200 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top