Obispo ng Boac Marinduque, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga paring maysakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,815 total views

Umaapela ng panalangin si Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. para sa kagalingan ng mga maysakit na pari ng diyosesis.

Nabanggit sa liham-sirkular ng obispo na apat sa mga pari ng diyosesis ang kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa malalang karamdaman.

Pagbabahagi ni Bishop Maralit na tatlo sa mga pari ang nasa Mt. Carmel Diocesan General Hospital sa Lucena City, Quezon habang isa naman ay nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

“In times like this, medical intervention is necessary… However, we also believe that the power of prayers especially of all the Christian Communities in our diocese will not only guide their attending doctors, protect and secure our patients but even more hasten their recovery and even effect miraculous healing if it is God’s will,” panawagan ni Bishop Maralit.

Naglabas naman ng panalangin ang Diocese of Boac para sa mga paring may sakit na uusalin bago magsimula ang mga Banal na Misa araw-araw hanggang sa kanilang tuluyang paggaling.

PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT NA PARI
Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol
Tinawag mo ang iyong mga pari upang makiisa sa Iyong misyon na akayin kami sa Iyong Ama
sa pamamagitan ng daan ng kabanalan
ang pagmamahal at wagas na paglilingkod.

Inaalala namin ngayon sa natatanging paraan
ang kapariang naging bahagi ng aming buhay at naging daan upang lumalim
ang aming pakikipag-ugnayan sa Iyo.

Isinasamo namin sa Iyo na patnubayan Mo po sila
upang sa pamamagitan ng kanilang matalik
na pakikipag-ugnayan sa Iyo sa pagdarasal
nawa’y mahubog ang kanilang katauhan ayon sa iyong kalooban.

Isinasamo rin namin sa Iyo ang aming mga pari
na ngayon ay may malubhang karamdaman
Hinihiling namin na hipuin mo sila
ng iyong mapagpagaling na mga kamay.

Sapagkat kung kami ay iyong nilikha mula sa kawalan nakatitiyak kami na patuloy mo silang iingatan.

Para sa kaluwalhatian ng Iyong Ama
at sa iyo Panginoong Hesus na aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.

Amen.

Batay sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021, ang Diyosesis ng Boac ay binubuo ng nasa 80 mga pari na gumagabay sa 250-libong mananampalataya mula sa 14 parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,608 total views

 47,608 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,477 total views

 43,477 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,679 total views

 79,679 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,381 total views

 88,381 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,660 total views

 113,660 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top