Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total views

Kapanalig, ang development o kaunlaran sa Asya ay kahanga-hanga. Ang development na ito ay nagtulak hindi lamang ng pagyabong ng mga indsutriya at ekonomiya sa rehiyon. Napawi din nito ang kahirapan ng maraming mga pamilya.

Ayon sa datos ng Asian Development Bank (ADB),  ang Asya ngayon ay tahanan na ng mahigit pa sa kalahati ng mga megacities sa buong mundo. Ang mga megacities, kapanalig, ay may higit pa sa sampung milyong residente. Tinataya na pagdating ng 2025, ang Asya ay magiging kanlungan na ng 21 ng 37 megacities ng buong mundo.

Hindi matatatwa na maraming biyayang dala ang mabilis na urbanisasyon at pagsulong ng maraming syudad sa Asya. Kaya nga lamang marami rin itong naging kapalit.

Una dito kapanalig, ay ang mabilis na pagtaas ng populasyon sa mga urban areas, gaya ng Metro Manila. Ang pagtaas ng populasyon na ito ay nagdulot ng pagdami at paglaki ng mga informal settlements, na may malaking implikasyon hindi lamang sa espasyo, kundi sa sanitasyon, congestion, at pampublikong kalusugan. Ang dami at sikip na ito ay nagdudulot ng pagbabanat at pag-aagawan sa limitadong resources. Makikita ito sa traffic na ating nararamdaman, sa hirap maka-access ng pampublikong transportasyon, at sa problema ng water supply sa maraming mga informal settlements.

Nababawasan na rin ang mga berde at luntiang lugar sa ating mga syudad at sa halip, napalitan na sila ng mga nagtataasang gusali at ng mga kalye.  Nabarahan na rin ng mga subdibisyon at pabahay ang mga dating natural na daluyan ng tubig, kaya’t napakabilis na magbaha sa maraming lugar sa mga syudad.

Kapanalig, hindi naman kailangan tuluyang masira ang kapaligiran sa ngalan ng kaunlaran. Ang maayos na urban development plan ay sinasa-alang-alang ang sustainability ng kapaligiran, hindi lamang kita o profits. Sa ngayon, mahalagang isyu ang mabilis na urbanisasyon, hindi lamang sa ating bansa, kundi sa buong Asya. Labing isa na sa 20 pinaka-polluted na syudad sa mundo ay nasa Asya, at ayon sa ADB,  malaki ang kontribusyon ng polusyon na ito sa tinatayang kalahating milyong premature deaths ng mga Asyano kada taon.

Nagpa-alala si Saint John Paul II noong 1990 sa kanyang World Day of Peace Message. Sana ay ating pakinggan ang kanyang pahayag: “Hindi nararapat na pakialaman natin ang kapaligiran ng hindi sina-alang-alang ang magiging epekto nito. Sa huli, kahit pa ang lahat ng pakiki-alam sa kapaligiran ay sa ngalan ng kaunlaran, tayo pa rin ang dehado. Kailangan natin matutunan ang responsibilidad sa sarili, sa kapwa, at sa mundo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,051 total views

 18,051 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,065 total views

 68,065 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,934 total views

 63,934 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,951 total views

 99,951 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,700 total views

 107,700 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,053 total views

 18,053 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,067 total views

 68,067 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,936 total views

 63,936 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,953 total views

 99,953 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top