247,608 total views

Mga Kapanalig, isang taon matapos ang Mindoro oil spill, wala pa ring napananagot sa pinsalang idinulot ng trahedya sa kapaligiran at kabuhayan ng mga apektadong komunidad. Hindi pa rin nakakamit ng mga residente ang katarungan at buong kabayaran para sa nawalang hanapbuhay nila, lalo na noong ipinataw ang limang buwan na fishing ban. Ayon kay Aldrin Villanueva, presidente ng Pola Municipal Fisheries Aquatic Resources Management Council at lider ng grupong Lapian ng Mangingisda sa Batuhan, 627 lang sa mahigit 4,000 claimants mula sa bayan ng Pola ang nakatanggap ng paunang bayad nitong Pebrero. Aniya, ₱14,000 sa nakatakdang bayad na ₱54,000 pa lamang ang natatanggap nila.

Ika-28 ng Pebrero noong 2023 nang tumapon ang kargang industrial fuel oil ng barkong MT Princess Empress matapos itong lumubog ito sa karagatang sakop ng bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro. Natapon ang higit sa 800,000 litro ng langis na nakaapekto sa 173,000 katao at 17,000 na mangingisda sa mga rehiyong Mimaropa, Calabarzon, at Western Visayas. Siyam na bayan naman sa Oriental Mindoro ang isinailalim sa state of calamity, kabilang ang Pola na itinuturing na ground zero ng trahedya. Inilagay rin ng oil spill sa panganib ang Verde Island Passage (o VIP) na kinikilala bilang “center of global shorefish biodiversity.” Batay sa pag-aaral ng Center for Energy, Ecology, and Development (o CEED), tinatayang 41.2 bilyong piso ang halaga ng idinulot na pinsala ng oil spill.

Ilang linggo bago ang unang anibersaryo ng trahedya, kinundena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (o CBCP) ang kawalan ng pananagutan mula sa mga kumpanyang nasa likod ng oil spill at sa mga pabayáng awtoridad. Ipinahayag ng CBCP ang suporta nito sa pagkamit ng hustisya para sa mga napinsala ng oil spill—sa mga ninakawan ng hanapbuhay, sa mga pamilyang nawalan ng makakain, sa mga nagkasakit dahil sa polusyon, at sa kalikasang nasira.

Inirekomenda ng Department of Justice ang pagsampa ng mga kasong kriminal laban sa RDC Reield Marine Services, ang shipowner o may-ari ng MT Princess Empress, at sa mga opisyal nito dahil sa pamemeke ng mga dokumentong naging daan para makapalaot ang barko. Ngunit para kay Fr Edwin Gariguez, lead convener ng Protect VIP, hindi sapat ang mga kasong ito. Giit niya, maliban sa may-ari ng barko, may pananagutan din ang San Miguel Corporation (o SMC) na may-ari ng SL Harbor Bulk Terminal Corporation na nag-charter sa barkong lumubog at kung saan nanggaling ang langis. Kinumpirma ni Ramon Ang, ang bilyonaryong CEO ng SMC at isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, na ang shipping subsidiary nila ang isa sa mga kliyente ng shipowner. Sa isang panayam, sinabi ni Fr Gariguez ang kanyang pagkadismaya sa tila hindi paghabol sa SMC na ‘di hamak na mas malaking isda, ‘ika nga, kaysa sa may-ari ng barko. 

Ipinaalala ni Fr Gariguez ang wika ni Pope Francis sa panlipunang turo ng Simbahan na Laudate Deum: ang mga pinakamabisang solusyon ay hindi magmumula sa mga indibidwal na pagsisikap lamang ngunit, higit sa lahat, mula sa mga pulitikal na desisyon. Samahan natin ang panawagan sa hustisya para sa mga napinsala ng oil spill. Huwag nating hayaang maging mailap ang katarungan at hindi papanagutin ang mga responsableng kumpanya at mga awtoridad. 

Mga Kapanalig, hiráp pa ring makabangon ang mga mangingisda at kanilang pamilya mula sa trahedyang idinulot ng mga korporasyong patuloy na yumayaman sa pagsira ng kalikasan. Wika nga sa Amos 5:24, “padaluyin [natin] ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.” Kailangang panagutin at pagbayarin ang mga nagdudulot ng polusyon at peligro sa mga tao at sa kapaligiran. Let us make polluters pay!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 6,339 total views

 6,339 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 11,757 total views

 11,757 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 18,464 total views

 18,464 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 33,264 total views

 33,264 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 39,420 total views

 39,420 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 6,340 total views

 6,340 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 11,758 total views

 11,758 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 18,465 total views

 18,465 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 33,265 total views

 33,265 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 39,421 total views

 39,421 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 37,954 total views

 37,954 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 48,538 total views

 48,538 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 56,755 total views

 56,755 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 40,988 total views

 40,988 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 46,964 total views

 46,964 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 50,057 total views

 50,057 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 39,762 total views

 39,762 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 40,650 total views

 40,650 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 55,953 total views

 55,953 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 68,362 total views

 68,362 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top