Internet, Social Media, at Mental Health

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 194,936 total reads

Kapanalig, marahil ikaw ay kabilang sa maraming Pilipinong babad na babad sa Internet at social media. Ayon nga sa mga pinakahuling datos, mahigit 85% ng ating populasyon ay internet users, habang 84.45 million   naman ang social media users. Ibig sabihin, halos lahat ng nasa Internet sa atin ay social  media users din. Ang mga Pilipino ay nasa Internet din ng mahigit sampung oras kada araw, at mahilig tayong mag Youtube at Facebook. Nakababad tayo dito ng mahigit apat na oras kada araw.

Kapanalig, hindi naman nakakapagtaka na halos nakatali na tayo sa internet at social media – digital naman na ang mundo natin ngayon. Ang kailangan lamang nating suriin dito ay kung paano natin ginagamit ang internet at social media. Para ba sa kabutihan natin ito, o ikakapamahak din natin ang ating tila obsession sa Internet at social media? Ano nga ba ang ginagawa natin online?

May pag-aaral na nagsasabi na marami sa atin, online dahil naglalaro ng online games. Tinatayang mahigit 96% ng mga internet users sa atin ang gumagawa nito. Mayroon ding online dahil nanood ng streaming TV content – mga 98%. Pero kapanalig, di natin maitatanggi na kaya din tayo online ay para sa walang katapusang pagscroll sa mga newsfeeds mula umaga hanggang gabi para sa latest info at updates ng mga kaibigan, sinusundang content creators, o wala lang – scroll lang ng scroll dahil nakasanayan na.

Kapanalig, nagiging produktibo ba ang ating mga buhay kaka-babad sa internet at social media? Nagagamit ba natin ito para ma-improve pa ang ating sarili, komunidad, at lipunan? Kung titingnan ang estado ng ating bayan ngayon, gamit man natin araw-araw ang Internet at social media, hindi naman tayo nagiging productive. Kabaligtaran ata ang nangyayari para sa ilan – nakaka-apekto na ito ng mental health. Isang halimbawa dito kapanalig, ay ang doomscrolling – ang pagbabasa ng mga newsfeeds natin sa mga social media platforms at yung maraming pagkakataon na tila tayo ay nahi-hypnotize na, at nakatutok na lamang tayo sa social media, at ikukumpara ang buhay natin sa mga online friends natin. Sa halip na maging relaxing o masaya ang activity na ito, napupuno na lamang tayo ng anxiety, resentment, at inggit. Marami ng online friendships ang nasira dahil sa maling pag-gamit ng social media -naging pataasan na ng ihi, naging source na ng anxiety at insecurity.

Kapanalig, ang ating pagbabad sa internet at social media ay isang habit na nakakasama na ng ating ugali. Dahil dito, nakakalimot tayo sa kalikasan, sa ating paligid, maski sa ating pamilya, pati na sa Diyos. Dahil sa social media, marami sa atin ang nagiging bulag at nagkakaroon ng mental health issues. Kaya’t sa halip na maging masaya, lalo pang nagiging malungkot, tarantahin, at mapag-alala.

Ngayong kuwaresma, isa sana sa ating i-“fast” ay ang paggamit ng social media at Internet. Kailangan nating mag-disconnect paminsan minsan, kapanalig, para maka-connect naman tayo sa Diyos. Ayon nga kay Pope Francis: ang pagdisconnect sa internet at social media ay esensyal sa ating Christian life. Payo pa niya sa kanyang mensahe para sa 2019 World Communications Day: gamitin natin ang social media para magbuo ng tunay na koneksyon at ugnayan, na may dalang kapayapaan at pag-ibig, hindi poot at kaguluhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 117,075 total reads

 117,075 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 151,236 total reads

 151,236 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 185,367 total reads

 185,367 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 241,771 total reads

 241,771 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 117,076 total reads

 117,076 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 151,237 total reads

 151,237 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 185,368 total reads

 185,368 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 241,772 total reads

 241,772 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top