Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,940 total reads

Ang Mabuting Balita, 29 Pebrero 2024 – Lucas 16: 19-31

ORAS NG PAGTUTUOS

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo’y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama’y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.’ At sinabi ng mayaman, ‘Kung gayun po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako’y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’ ‘Hindi po sapat ang mga iyon,’ tugon niya, ‘ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

————

Sa talinhagang ito, hindi natin maaaring sabihin, “kahit kailan hindi magiging huli na ang lahat” sapagkat tunay na HULING HULI na. Hindi natin maaaring ipagpaliban ng ipagpaliban ang pagpapakabuti o ang paggawa ng kabutihan sapagkat tulad ng mayaman sa talinhaga, ang ORAS NG PAGTUTUOS ay dumating na. Ang panghihinayang ay dumarating kung kailan wala na tayong magagawa. Kaya, sa halip ng manghinayang, gawin na natin ito NGAYON. Magiging mas makahulugan at mas makabuluhan ang ating buhay at makasisiguro tayo sa ating pupuntahan paglisan natin sa mundong ito.

Panginoong Jesus, tulungan mong gawin namin ang bawat sandali ng aming buhay na mabilang sa iyong makalangit na kaharian!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 117,488 total reads

 117,488 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 151,624 total reads

 151,624 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 185,755 total reads

 185,755 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 242,159 total reads

 242,159 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 5,095 total reads

 5,095 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 9,525 total reads

 9,525 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 11,046 total reads

 11,046 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 8,162 total reads

 8,162 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top