Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,451 total reads

Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan.

Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan lalo na ang mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Sinabi pa ng opisyal na ang Alay Kapwa ng Caritas Manila ay pagkakataon nang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagmamalasakit maging sa napapabayaan ng lipunan.

Ayon pa kay Fr. Pascual ang Alay Kapwa ay isang kongkretong hakbang na ang pananampalataya na nakikita sa gawa.

“Unang-una ang ating pinapalaganap dito ang pananampalataya na nakikita sa gawa. Sabi nga sa John 1:4 ang bunga ng tunay na pananampalataya ay pag-ibig at hindi kasakiman, karahasan ang bunga ng pananampalataya ay pag-ibig dahil ang diyos ay pag-ibig at ang pag-ibig na ito ay nakikita sa ating pagmamalakasakit lalung lalo na doon sa napapabayaan sa lipunan mga nasa laylayan mga may sakit mga biktima ng kalamidad,” ayon kay Fr. Pascual.

Ipinaliwanag ng pari na ang pananampalataya ay pag-ibig hindi kasakiman at karahasan dahil ang Diyos ay pag-ibig at ito ay naipapakita sa ating pagmamalasakit sa ating kapwa.

At sa karaniwang pagkakataon, ang mga dukha ang palagiang biktima ng kalamidad sapagkat sila ang hindi nasa magandang kalagayan, kulang sa edukasyon, sa pananalapi, kasanayan at nutrisyon.

Layon ng Caritas Manila Alay Kapwa telethon na makalikom ng 5-milyong pisong donasyon para sa mga programa ng institusyon sa mahihirap at biktima ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,175 total reads

 19,175 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,534 total reads

 42,534 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,035 total reads

 79,035 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,659 total reads

 299,659 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,225 total reads

 333,225 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top