Pray for Taiwan, paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,618 total views

Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng mamamayan ng Taiwan kasunod ng 7.2 magnitude na lindol nitong April 3.

Tiniyak ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants’ and Itinerant People Vice Chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa mga biktima ng lindol lalo na sa mahigit 100-libong Filipino migrants sa lugar.

“We are also worried about their wellbeing and welfare. We are one and united with them, especially with Filipino migrants,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nangyari ang pagyanig alas otso ng umaga kung saan naitala ng Taiwan’s earthquake monitoring agency ang 7.2 magnitude habang naitala naman ito ng U.S. Geological Survey sa 7.4.

Naramdaman ang pagyanig sa ilan pang lugar tulad ng Shanghai at Fujian province ng China, ilang lugar sa Japan gayundin sa hilagang bahagi ng Pilipinas partikular sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela.

Huling niyanig ng malakas na lindol ang Hualien county noong 2018 habang naitala ang itinuturing na deadliest quake noong September 21, 1999 na umabot sa 7.7 magnitude kung saan mahigit 2, 000 indibidwal ang nasawi, 100-libo ang nasugatan at libu-libong gusali ang napinsala.

Ipinag-utos na rin ni Bishop Santos sa mga Filipino chaplains ang pag-alay ng mga misa para sa natatanging intensyon sa kahinahunan at kaligtasan ng mga biktima.

“We pray for them and we have asked our Filipino chaplains to offer Holy Masses for safety, sound health and our Almighty God in His mercy and power may bring comfort and healing to those afflicted, pacify and stop earthquakes and tremors,” ani Bishop Santos.

Batay sa pag-aaral ang Taiwan ay nakapaloob sa Pacific “Ring of Fire,” na matatagpuan ang seismic faults na nakapaligid sa Pacific Ocean kung an nangyayari ang pinakamalalakas na pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,237 total views

 19,237 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,251 total views

 69,251 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,120 total views

 65,120 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,085 total views

 101,085 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,742 total views

 108,742 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top